Sey Mo Xian? Kimmy Nagpapraktis Na Nga Bang Magpatulog Ng Baby?

 


TV host actress na si Kim Chiu nagbahagi ng isang maikling video sa kanyang social media account at makikita sa video na maykargakarga siyang isang baby.


Makikita din sa nasabing video na mahimbing na ang pagkakatulog ng baby habang kargakarga niya ito tila expert na nga daw kung titingnan ang actress sa pagpapatulog ng isang baby.


Ayon naman sa caption ng post ng actress sa kanyang Instagram account, "Quit on the set. Galing ko magpatulog nga baby! How to wake him up? Take na tayo baby!"


Ang baby na ito na karga at pinatulog ni Kim chiu ay kasama sa set ng bago niyang project na Linlang Kung saan kasama niya sa serye na ito ang actor na si Paulo Avelino at iba pang mga magagaling na artista sa showbiz.


Komento naman ng ilang mga netizens sa post na ito ng actress na tila naghahanda na nga daw si Kim Chiu sa posibleng maging isa na din siyang ina. 


Tanong naman ng ilan kung anu naman kaya ang magiging reaksyon dito ng kanyang nobyo na si Xian Lim na halatang mahilig din sa baby.


Talagang bagay na bagay nga silang dalawa dahil pareho din silang mahilig sa baby kaya ayon sa ilan na gumawa nalang daw sila ng baby lalo pa at marami naman silang pagkakapareho ng mga hilig sa buhay.



Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma