Napikon Na! Paolo Contis Nagsalita Na Tungkol Sa Hindi Niya Pagbibigay Ng Sustento Sa Kanyang Anak!...

 


Paolo Contis Nagsalita Na Tungkol Sa Hindi Niya Pagbibigay Ng Sustento Sa Kanyang  mga Anak!


Mainit parin talagang pinag-uusapan sa social medya ang controversial na TV host actor comedian na si Paolo Contis lalo pa at isa nga si Paolo sa mga tumatayong mainhost ng noontime show ng mga Jalosjos na Eat Bulaga.


Siya din nga ang matapang na sumasagot sa mga bashers ng nasabing programa, dahil nga sa patuloy parin na binabato ng mga pambabatikos ngayon ang kanialng noontime show dahil sa pagkakaalis ng TVJ at ng mga Legit Dabarkads na ngayon ay may bagong tahanan na sa TV5.


Sa bawat issue tungkol sa kanilang programa ay matapang nga na sinasagot ni Paolo Contis, kung saan ay sinabi niya na wala nga daw saysay ang pagkukumpara ng mga netizens sa kanila sa TVJ.


Bukod sa issue ng kanilang programa ay hindi naman maiiwasan na madamay ang issue sa kanyang personal na buhay. 


Matatandaan na maugong nga ang kumalat na balita noon na hindi nga daw nagsusustento itong si Paolo Contis sa kanyang mga anak kayna Lj Reyes at Lian Paz.


Ang naging paliwanag naman noon ni Paolo sa isang panayam ay sinabi niya na kaya daw hindi niya sinusustentoan ang kanyang mga anak ay dahil sa inipon niya muna ito sa bangko at saka na daw niya ibibigay pagmalaki na ang kanyang mga anak.


Hindi naman nagustohan ng netizens ang naging paliwanag na ito ni Paolo noon kaya naman hanggang ngayon ay patuloy parin siyang binabatikos ng kanyang mga bashers.


Kaya naman ngayon tila hindi na nga nakapagpigil pa itong si Paolo Contis at nagsalita na tungkol sa issue ng hindi niya pagsusustento sa kanyang mga anak.


Sa isang eksklosibong panayam kay Paolo Contis ng talent manager at kulumnistang si Ogie Diaz sa programa nito na showbiz Update ay natanong ni Ogie kung hindi ba daw siya napipikon o naiinis sa mga basher na paulit-ulit na sinasabi sa kanya na sustento muna bago ang papremyo.


Mapapansin naman na tila napatawa at napa kunot ang noo ni Paolo Contis ng sinagut niya ang tanong na ito.


Ayon nga kay Paolo na hindi niya daw maunawaan kung bakit marami ang naniniwala sa issue na ito.


Dahil ayon sa kanya na ang pirang ipinamimigay nila sa show ay hindi naman pera niya dahil sa pera ng prorama iyun na itinutulong nila at impleyado lang daw siya dito kaya naman hindi niya daw maunawaan ang hugot ng ilan tungkol dito.



Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma