EAT ng TVJ Sa TV5 Nanguna Sa Rating Ang TVJ Dabarkads July 10 2023!

 


Pinatunayan parin ng TVJ at ng Legit Dabarkads na sila parin ang hari ng noontime shows matapos manguna sa ratings nitong sabado.


Ayon sa datos ng AGB Nutam TV Ratings ay na nguna ang noontime show ng TV5 na EAT nina Tito, Vic at Joey at ng mga Legit Dabarkads.


Sa urban rating nga nitong sabado ay nanguna ang noontime show ng TVJ laban sa mga katunggali nitong noontime show tulag nalang ng Eat Bulaga ng GMA 7 na pagmamay-ari ng mga Jalosjos at Kapamilya noontime show na It's Showtime ng GTV.


Nakuha ng noontime show ng TVJ ang 4.7% kumpara sa Eat Bulaga ng TAPE incorporated na 3.1% lamang at It's Showtime na nakakuha din ng 3%.


Gayun paman ay nabawasan parin ng kalahati ang rating ng E.A.T. ng TV5 na show ng TVJ kumpara sa naabot nito noong unang ere nila sa TV5 noong July 1, 2023 na umabot ng 8.4% na rating ang nakuha nila.


Sa ngayon ay naniniwala ang mga tagasuporta ng TVJ na ang segment nila na sugod bahay ang mas makakatulong sa kanilang programa na makabangon mula sa pagbaba ng kanilang ratings.


Umaasa din ang mga ito na gagawa pa ang TVJ ng marami at nakakatuwang pang mga content para mas maging nakakaaliw pa ang kanilang programa.


Hinikayat din ng netizens ang TV5 na palakasin pa ang kanilang signal maabot at mapanood pa ng ilang mga TVJ fans ang noontime show sa TV5.


Marami namang mga netizens ang bumati sa TVJ at legit Dabarkads sa pangunguna nila sa ratings ng mga noontime show.



 

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma