Belle Mariano Hindi Makapaniwala!

 


Sa sobrang tuwa ay napatakbo daw ang singer actress na si Belle Mariano patungo sa kanyang ina ng makita niya raw ang ipinost ng batikang singer  na si miss Regine Velasquez sa Instagram account nito.


Sino ba namang hindi sasaya ng ganun lalo na kung Ang Asia's Song Bird na si miss Regine Velasquez ang pumuri sa yong mga ginawa.


Sa Instagram kasi ay ibinahagi ni miss Regine Velasquez ang kanta ni Belle Mariano at pinuri pa ito ni Regine.


Ani Belle, "Actually napanood ko yun ng 12 na 12 midnight, tumakbo ako sa mom ko sabi ko my gosh pinost ni ate Regine hindi ako makapaniwala."


Pagbabahagi pa ni Belle, "She is one of my inspiration when it come to music and grabe to be inspired by miss Regine my gosh thank you so much."


Kuwento pa ni Belle na ilang beses na daw siya humingi ng payo kay miss Regine sa tuwing magpeperform sa ASAP Natin to.


Samantala, sold out na ang tickets sa gaganaping concert ni Belle ngayong darating na Sabado July 22, 2023.


Pero tanong naman ng marami na kung ano daw kaya ang magiging partisipasyon ng kanyang on screen partner na si Donny Pangilinan sa concert ni Belle.


Siguro ay special guest raw ito ni Belle sa concert ng actress siguradong marami na naman daw ang kikiligin na DonBelle fans nito.


Samantala, maraming mga fans naman ni Belle ang natuwa sa naging pagsuporta ni miss Regine sa idulo nilang si Belle Mariano.





Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma