Sabrina M Matapang Na Sinagot Ang Hamon Ng Kampo Ni Claduine Barretto Walang Public Apology? Alamin!

 


Dating sexy star na si Sabrina M wala daw balak na humingi ng paumanhin sa publiko kay Caludine Barretto at sa pamilya ni Rico Yan.


Matatandaan na nitong nakaraan lang ay binanatan nga ni Atty. Topacio na abogado ni Claudine si Sabrina at nagbanta ito na kung hindi hihingi ng public apology si Sabrina kay Claudine at sa pamilya ni Rico Yan sa loob ng tatlong araw ay mapipilitan ng silang edemanda ito.


Ngunit tila walang planong humingi ng public apology si Sabrina M dahil kahapon nga linggo ay natapos na ang tatlong araw na palugit ng kampo ni Claudine Barretto para kay Sabrina at wala ngang nangyaring public apology.


Ito ay tungkol sa mga naging rebelasyon ni Sabrina M na nagkaroon di umano sila ng relasyon noon ng yumaong actor na si Rico Yan.


Kahapon nga ay naglabas na ng opisyal na pahayag ang Atty. ni Sabrina M na si Atty. Juman Paa na founder din ng Knowledge advocate of volunteer Lawyers for free loyal Assistance.


Pahayag ni Atty. Juman, "Our client Sabrina M, will not issue a public apology. The Purported offended parties may file a case to assert their rights allegedly violated by Sabrina, in the same vein that cases are now being prepared against certain individuals who, in their attempt to silence Sabrina, intentionally committed criminal acts against her."


Tila paninindigan nga yata ni Sabrina M ang kanyang mga naging rebelasyon nitong nakaraan patungkol sa pagkakaroon di umano nila ng relasyon ng yumaong actor na si Rico Yan.


Mapapansin din sa mga pahayag ng abogado ni Sabrina na tila handa umano sila sa kung ano man ang balak ng kampo ni Claudine Barretto.




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma