Andrea Brillantes May Rebelasyon Tungkol Kay Ricci Rivero!....


 

May nakakagulat na rebelasyon ang actress at CEO na si Andrea Brillantes kaugnay sa ilang mga kaganapan sa relasyon at hiwalayan nila ng basketbolistang si Ricci Rivero.


May pagka kwela pero maylaman din ng mga maiinit na pahayag mula sa actress sa mga panayam niya sa vlog ng Unkabogable superstar na si Meme Vice Ganda.


Sa vlog nga ay napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa kung papano ginawa ng actress ang pagmomove-on niya sa naging hiwalayan nila ng dati niyang nobyong si Ricci Rivero.


Pahayag ni Andrea sa mga tanong sa kanya ni Vice na ayon sa actress na hinahayaan niya lang muna ang kanyang sarili na namnamin ang bawat sandali ng kanyang nararamdaman.


Nagbigay din ng tips si Andrea sa mga taong nasaktan na para sa kung papano mabilis na makapagmove-on matapos masaktan sa isang relasyon.


Ayon sa actress na minsan daw umano ay kailangan mag-isip ng mga bagay-bagay na nakaka turn off sa isang tao.


Aniya, "Gusto ko lang sabihin minsan, kung hirap kang magmove-on kailangan mo talaga isipin yung mga bagay na, Talaga ba iiyakan ko yung lalaking hindi nagpapalaundry ng isang taon?"


Dagdag pa ni Andrea na pagdating daw sa pagmamahal ay ituturing niya ang sarili niya na isang bakla kung magmahal at magregalo.


Kasunod naman nito ay naitanong din ni Vice na kung dumating ba sa puntong nagkabawian sila ng mga ibinigay nila sa isa't isa.


Sagot naman ni Andrea na sa labis daw niya na pagmamahal kay Ricci ay umabot na daw sa milyon mahigit ang na ibigay niya kay Ricci Rivero.Aniya, "Ay mahal po talaga, siguro po umabot ng milyon."


Umani naman agad ito ng samu't saring reaksyon at komento mula sa netizens kaugnay sa mga naging pahayag ng actress sa vlog na ito ni Vice Ganda.







Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma