Ito Pla Ang Reaksyon Ng Abogado Ni Sabrina M Sa Banta Ni Atty. Topacio at Claudine Barretto!...

 


Kahapon Linggo ang huling araw ng taling ni Atty. Topacio sa dating sexy star na si Sabrina M para humingi ng paumanhin sa publiko kay Claudine Barretto at sa pamilya ni Rico Yan.


Ito ay tungkol sa mga naging rebelasyon ni Sabrina M na nagkaroon di umano sila ng relasyon noon ng yumaong actor na si Rico Yan.


Kahapon nga ay naglabas na ng opisyal na pahayag ang Atty. ni Sabrina M na si Atty. Juman Paa na founder din ng Knowledge advocate of volunteer Lawyers for free loyal Assistance.


Pahayag ni Atty. Juman, "Our client Sabrina M, will not issue a public apology. The Purported offended parties may file a case to assert their rights allegedly violated by Sabrina, in the same vein that cases are now being prepared against certain individuals who, in their attempt to silence Sabrina, intentionally committed criminal acts against her."


Tila ito ay isang pahiwatig na handa sila sa kung ano man ang gagawing hakbang o binabalak ng kampo nina Claudine Barretto.


Matatandaang nitong nakaraan lang ay maanghang ang mga binitiwang salita ni Atty. Topacio sa media kaya ngayon ay mukhang hahaba at tatagal pa ang issue na ito dahil tila palaban ang kampo ni Sabrina at parang handa sila sa ano mang mga kaso.


Sa ngayon ay wala pang anu mang pahayag ang kampo ni Claudin ukol dito.



  

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma