Seth Fedelin Halos Maiyak Sa Birthday Speech Ni Francine Diaz Sa 21st Birthday Niya!

 


Young actor na si Seth Fedelin naging emosyonal sa naging birthday speech para sa kanya ng kaloeteam at rumored girlfriend niyang si Francine Diaz.


Kagabi nga ay ginanap ang debut ni Seth at makikitang engrande din ang naging birthday celebration ni Seth na dinaluhan naman ng kanyang mga celebrity friends at non showbiz friends.


Syempre hindi rin mawawala ang kanyang ka loveteam at rumored Girlfriend na si Francine Diaz, makikita din sa video na ibinahagi ng ilang malalapit na kaibigan ni Seth na nagkaroon ng speech si Francine para sa actor at makikitang tila muntik na ngang maiyak si Seth sa mensahe sa kanya ng dalaga.


Sa Instagram naman ni Francine Diaz ay nagbahagi siya ng ilang mga larawan nila ng kanyang kaloveteam  na si Seth Fedelin at binati pa nga niya ito ng Happy Birtday.


Sabi niya sa caption ng kanyang ibinahaging post sa kanyang mga followers, "Happy birthday sethyboy!! 🤟🏻 Wala ako masabi , alam mo na yun 🤪💙"


Makikita nga natin ngayon na malayo na nga ang narating ni Seth Fedelin, at kahit na nga hindi siya ang tinanghal na grand winner ng PBB Otso, siya naman ang itinuturing na pinaka successful na PBB housemate.


Dahil sa kanyang mga ipinakitang galing at husay sa pag-arte sa kanyang mga ginawang mga proyekto.


Malaking bagay din sa naging tagumpay ni Seth Fedelin ay ang dalawang babaeng nakatambal niya sa kanyang mga naging proyekto, na sina Andrea Brillantes na dating naging ka loveteam niya at real life partner  at si Francine Diaz na kaloveteam at rumored girlfriend niya ngayon.



Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma