Mga Kasinungalingan Ni Awra Isa-Isang Nadiskubre Ng Kanyang Ama at Ni Vice Ganda Ayon Kay Ogie Diaz!

  


Matapos nga na pumutok ang balita tungkol sa gulo na kinasangkotan  ni Awra Briguela sa isang bar sa may Poblacion Makati City at isa sa mga inaabangan ng karamihan kung anu na lang ang magiging reaksyon ni Vice Ganda sa issue na ito.


Ito ay dahil sa si Vice Ganda ang talent manager ni Awra at ang nanay-nanayan nito sa showbiz.


Pero magpasahanggang ngayon ay wala pading inilalabas na reaksyon si Vice tungkol sa matinding skandalo na ginawa ng kanyang anak-anakan na si Awra Briguela.


Pero ayon nga sa marami ay tila maydahilan naman si Vice kaya hindi pa ito nagsasalita tungkol sa mga issue nangyari nitong kamakailan na ginawa ng kanyang anak-anakan.


Sa ngayon habang lumilipas ang mga araw mula ng nangyaring rambulan nina Awra ay isa-isa na nga na lumalabas sa social media ang kanyang mga baho.


Isa na nga dito ang matagal na niyang pagsisinungaling na hindi lamang kay Vice Ganda kundi pati rin sa kanyang ama.


Sa vlog ng talent manager at showbiz  columnist sa si Ogie Diaz ay isiniwalat niya  sa kanyang YouTube Channel na Showbiz Update, ay bukod umano sa gulong kinasangkotan nito sa nasabing bar sa Makati ay may isa pa umano itong kasalanan kay Vice at ito nga ay ang pagsisinungaling.


Ayon mismo kay Ogie Diaz na nakarating daw umano sa kanila ang balitang labis na ikinagulat ng ama ni Awra, dahil sa ang buong akala umano ng ama ni Awra ay sa condo ni Vice nakatira ang kanyang anak na si Awra.


Ito daw kasi ang paalam ni Awra sa kanyang ama ng umalis ito sa kanila, kaya naman kampante daw ito dahil alam niya na magagabayan ni Vice ng maayos ang kanyang anak.


Ngunit nalaman na  nga nito ang totoo ng magka-usap na sila mismo ni Vice Ganda na hindi na nga ito tumutuloy kay Vice kundi sa mga barkada nito.


Pahayag ni Ogie Diaz, "Naka-abot lang saakin na nashock yung tatay ni Awra, na akala nung tatay all along, nakatira si Awra sa condo ni Vice Ganda ng six months na."


"Yun ang paalam ni Awra sa tatay niya na hindi alam ni Memi. Kaya pumanatag ang loob ng tatay, kasi akala niya kay Vice nakatira, yun pala sa mga barkada nakatira itong si Awra, nag-e-enjoy sa mga barkada."


Dahil nga dito ay mag-uusap-usap daw umano sina Awra, Vice Ganda at ang tatay ni Awra upang linawin ang mga nangyari at pa-usapan na din ang gulong kinasangkotan nito.



Samantala, sinabi naman ni Ogie Diaz na nanghihinayang sila para kay Awra, dahil sa kinabukasan sana ng June 30 araw ng pagkakakulong ni Awra ay i-lulaunch sana ang show na kabibilangan sana ni Awra, ngunit dahil nga sa mga nangyari ay napurnada ito.



Dagdag pa nila na sana daw ay maging isang leksyon umano ito para kay Awra lalo pa at may inaalagaan umano silang pangalan sa Showbiz








Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma