Ina Ni Rico Yan Na Si Mrs. Sita Yan Nagsalita Na at Humiling Na Tigilan Na Ang Paggamit Sa Kanyang Pumanaw Na Anak!

 


Ina Ni Rico Yan Na Si Mrs. Sita Yan Nagsalita Na at Humiling Na Tigilan Na Ang Paggamit Sa Kanyang Pumanaw Na Anak!


Kahapon Lunes July 17 sa pamamagitan ng isang text message ay nagpaabot ng mensahe si Bobby Yan, na kapatid ng yomaong actor na si Rico Yan kay Ogie Diaz ang reaksyon ng kanilang ina na si Mrs. Sita Yan.


Tungkol sa issue na pinag-aawayan ngayon nina Claudine Barretto at dating sexy star na si Sabrina M tungkol sa kanyang yomaong anak na si Rico Yan.


Sa pamamagitan ng vlog ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel ay ibinahagi niya ang mensahe ng ina ni Rico Yan sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang text message.


Sa nasabing mensahe ng ina ni Rico ay sinabi nito na tigilan na nila Sabrina at Claudine ang paggamit sa pangalan ng yomaon nitong anak dahil bilang respeto na din kay Rico Yan at sa pamilya Yan.


Ayon sa ina ni Rico Yan na matagal na umanong pumanaw ang kanyang anak ngunit patuloy parin itong ginagamit sa pangsariling paraan ang pangalan nito, unfair raw umano ito dahil wala na si Rico para ipagtanggol ang kanyang sarili at ito umano ay kawalang respeto sa taong pumanaw na.


Narito ang kabuohan ng mensahe ng ina ni Rico Yan na ipinakita ni Ogie Diaz sa Publiko.


"It has been 21 years since Rico Passed on March 29, 2002. The pain of the family losing a son and a brother, has been permanently etched into our being."


"The recent news swirling around Rico is very unfair. He is no longer around to give his comments, to either refute, deny or acknowledge the claims."


"It is not only unfair, but disrespectful. I asked everyone concerned to please stop using Rico's name for their individuals purposes. Please leave Rico and us peace."


Sa ngayon ay wala pang anu mang pahayag o reaksyon ang kampo ni Sabrina M tungkol sa mga naging pahayag ng ina ng yomaong actor na si Rico Yan.


Maging ang actress na si Caudine Barretto ay nananahimik narin at wala pang reaksyon ukol dito. 


Siguro ay mananahimik nalang ang dalawang panig na ito at irerespeto nalang nila ang kagustohan ng ina at pamilya ni Rico Yan lalo pa at wala sa kanilang dalawa ang kinampihan ng ina ng yomaong actor.






Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma