Sunshine Cruz May Rebelasyon Sa Tunay Na Dahilan Ng Hiwalayan Nila Ng Ex Bf!

 


Kung noon ay tila hindi komportable si Sunshine Cruz sa tuwing natatanong siya tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Mackey at tila matipid lang ang kanyang mga isinasagot sa mga tanong sa kanya.


Sa ngayon ay tila iba na dahil komportable na siyang sagotin ang lahat ng katanongan sa kanya ka ugnay sa hiwalayan nila ng kanyang dating nobyo.


Umabot din sa Anim na taon ang relasyon nina Sunshine Cruz at ang kanyang dating nobyo na si Macky na kasalukuyang City Councilor na ngayon ng San Juan City.


Kung matatandaan na naghiwalay sila noong September 2022 limang araw bago ang 6th anniversary sana nilang dalawa.


Ani Sunshine sa kanyang naging Panayam kay Karen Davila, "Almost 5 days bago mag 6th anniversary kami, nakipaghiwalay ako sa kanya, luck in taping pa yun. Trough message I said na may patutunguhan pa tung relationship, nakita ko lang na parang hindi naglelevel-up ang relation namin."


"Hindi nagmomove, don't get me wrong he is a good guy, I loved his children pero siyempre at this point in my life I am 45 parang siyempre naghahanap na tayo ng ralationship kahit papano lumilevel-up."


"Hindi yung diretso lang kasi magsisix years na, no regrets naman he is a good guy."


Nilinaw din ni Sunshine na hindi niya kaylan man na hiniling na makasal kay Macky dahil sa ayaw na daw niyang magpakasal pa ulit.


Saad niya, "Sa totoo lang ayaw ko naman na, I am okay na life partner kami. Pero yung pagpapakasal sa ngayon ay hindi ko na naiisip."


Dagdag pa niya, "Sa totoo lang pagdating kai Macky hindi ko rin naman hinintay yan."


Hindi naman daw sinasara ni Sunshine ang kanyang puso dahil baka sakaling may dumating sa kanyang buhay ay open naman daw siya na magmahal ulit.





Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma