Maine Mendoza May Pasabog Sa E.a.T!

  


Kahapon nga sa opening number palang ng noontimeshow na E.A.T ng TVJ sa TV 5 ay inanunsyo na ni Ryzza Mae Dizon na reserve na daw ang Dabarkads eatery ni Maine sa darating na exklosibong event.


Ayon pa sa isang host na may special bridal shower daw na magaganap, at pagkatapos ay nagsigawan na ang mga tao sa loob ng studio, maging sina Tito, Vic at Joey De Leon ay na excite din sa magaganap na event nayon Sabado July 22 sa nasabing noontime show nila.


Pero hindi naman nila na banggit kung para kanino ang magaganap na bridal shower.. 


Pero gayun paman ay alam na naman siguro ng lahat na para kay Maine ang bridal shower na ito, lalo pa at ilang araw na din na hindi nakikita si Maine sa nasabing noontime show.


Dagdag pa nga dito ay ang balitang nalalapit na kasal ni Maine Mendoza sa actor politician na si Arjo Atayde.


Agad naman na nagtrending sa social media ang nasabing bidal shower, at siguradong aabangan ito ng maraming mga manonood, at sigurado ding mangunguna na naman daw sa rating ang E.A.T. ng TVJ sa TV5.



Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma