Fiance Ni Boss G, May Rebelasyon. Sachzna Muling Kumakabit?...

 


May naging mainit na mga pasabog ngayon ang Fiance ni Boss G o Jed Pascual na si Lyne Munos, sa ibinahaging post nito sa Facebook ay ibinulgar niya ang mga secretro na matagal na niyang pinagtitimpi tungkol sa kanyang fiance at kay Sachzna Laparan.


Sa nasabing facebook post ni Lyne ay mga maaanghang na salita ang kanyang binitawan sa kanyang naging pahayag tungkol sa pagtataksil sa kanya at pambababoy umano sa kanya na naging dahilan ng pagkasira ng kanilang relasyon.


Na kung saan ay nadidiin nga dito ang pangalan ng kilalang social media personality na si Sachzna Laparan.


Pahayag ni Lyne Munos, "Hindi ako nag papa FAME dito or ano pa man. Pero kung anak ko na naapektuhan sorry but I have to do this. Since hindi ka naman nag paparamdam nagpapakita sa anak mo wala kang oras at hindi ka na tumupad sa AGREEMENT LETTER from the day na pumirma tayo WALA KA PADIN TINUPAD tapos gusto mo pa CO-PARENTING? karapatan ko ilabas ang baho niyo! Sachzna Laparan Sachzna Laparan Boss G Boss G @jedpascual"


Ayon pa sa kanya na matagal din daw umano siyang nagtiis sa ginagawa ni Boss G at Sachzna na naging dahilan daw ng pagdurusa niya ng ilang mga buwan.


Rebelasyon pa ni Lyne na naging panakipbutas lang daw umano ang relasyon noon nina Sachzna at Jomar Lovena dahil ang totoo daw ay ang kanyang fiance na si Boss G daw umano ang nilalandi ni Sachzna.


Pahayag niya pa, "Ang tagal ko nag timpi sainyo. Ilang buwan akong nagdusa sainyo tatlong buwan halos araw araw! Sagad sa buto pag titiis ko!"


"Ang tagal ko nanahimik hindi ako nag salita nung may issue ka sachna laparan kay Jomar at Vebylin pero this time kung anak ko na naapaktuhan ibang usapan na to. Ung akala ng lahat na si jomar ang naging issue pero ang totoo asawa at tatay ng anak ko ang nilalandi mo."


"Ginamit niyo si jomar mapag takpan lang kayo. Ilang beses kitang kinausap, ilang beses ko kayo kinausap ng MAAYOS naging mabuti pa ako sainyo simula UMPISA alam niyo kung sino sino kayo. Kinain ko lahat nilunok ko ung sakit at pag dudusa sa ginagawa niyo! Lalo kana Sachna!"


Ibinahagi din niya ang matapos ang dalawang buwan daw na paghihiwalay sa kanya ni Boss G sa pamamagitan ng text ay nalaman niya na nagsisimula na daw umanong maglandian ang dalawa.


Aniya, " At ang tigas ng mukha mo Sachna Laparan! Ikaw na nga nakakasira ng pamilya ikaw pa matapang at makapal ang mukha. Wala pang 2 months, april 23 ka nakipaghiwalay THRU TEXT? Month of MAY malalaman ko naglalandian na kayo? asan respeto niyo, kahit sana bilang nanay nalang ng anak mo eh. HINDI MATUTUMBASAN NG PERA UNG SAKIT AT TRAUMA NA GINAWA NIYO SAKIN LALO NA SA ANAK KO."


"HINDI MATUTUMBASAN  NG PERA O KAHIT NA ANONG LARUAN UNG ATENSYON AT BUONG PAMILYA NA DESERVE NG ANAK KO PERO PINAGKAIT NIYO at NINAKAW MO SACHNA LAPARAN Ang TATAY NG ANAK KO. Sagad na ung DAMAGE na ginawa niyo!!"


"Lalo kana JED PASCUAL. Di mo deserve maging tatay ng mabait, masayahin at matalinong bata! Wag mo sabihin sakin na ako ang sumira ng pamilya natin dahil ALAM MO NA GINAWA KO LAHAT BUT YOU NEVER GIVE ME A CHANCE TO PROVE IT. You dont deserve Geo. I'll let the karma works for me para sainyong dalawa."


Dagdag pa niya, " Ps. HINDI KAMI KASAL, ENGAGED LANG PERO MAY ANAK KAMI NA HINDI NABBIGYAN NG TAMANG ATENSYON. Sorry po sa family namin, alam niyo both sides kung gaano ako nag tiis at nanahimik. But this time oras na sa anak ko naapektuhan."

OUT!




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma