Sey Mo Xian? Jake Hiyang Hiya at Kinakabahan Kay Kim Chiu!....

 


Jake Ejercito tila kakareren na ang kanyang pag-aartista, dahil dati kasi ay urong sulong siya sa kanyang showbiz career at masgusto niya ang pagnenegosyo.


Ngunit ngayon ay tila seryoso na ito sapag-aartista, hindi naman maipagkakaila na nasa dugo na nga ni Jake ang pagsabak sa mundo ng showbiz.


Masuwerte din siya dahil naging madali ang kanyang pagpasok sa showbiz dahil sa mga koneksyon niya.


Ganun paman ay hindi umano niya ginamit ang impluwensya ng kanilang pamilya, para sa kanyang showbiz career.


Nabigyan na din siya ng maraming mga palabas sa telebisyon pero ang pinakanakakakaba daw sa kanya ay ito ngayon dahil sa ipinareha siya sa TV host actress na si Chinita princess. 


Sa isang TV series na Fit Check Confession of an Ukay Queen at kasama din sa cast nito sina, Christopher De Leon, Kylie Verzosa, Justine Luzares at Angel Aquino at marami pang iba.


Sa TV series nilang ito ay tiyak daw na maraming mga manonood ang kikiligin sa kanilang tambalan at sa mga unang araw daw ng taping ay medyo naninibago at nahihiya pa raw si Jake kay Kim.


Sino ba naman kasing hindi kakabahan lalo pa at si Chinita Princess ang ipinareha sa kanya sa serye na ito.


Masaya naman ang mga fans ni Kim sa bagong series na ito ng kanilang idolo.







Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma