Claudine Barretto at Home along Da Riles Cast Nag-Reunion Sa Death Anniversary Ni Dolphy!

 


Sa 11th Death Anniversary ni Dolphy ay nagkaroon nga ng reunion ang mga original cast ng leendary setcom noon ng ABS-CBN na  Home Along Da Riles na umere noong taong 1992 hanggang taong 2003.


Ito ay pinagbibidahan noon ng namayapang si Dolphy na nabansagang hari ng komedya sa industrya ng showbiz.


Mga naging kasama ni Dolphy noon ay sina Claaudine Barretto, Nova Villa, Smokey Manaloto, Gio Alvarez, Vandolph, Babalu, at marami pang iba.


Ang kanilang naging reunion ay itinoon naman nila sa 11th Anniversary ng pagkamatay ni Dolphy, kahapon ng July 10.


Samantala, ay bukod sa kanila ay dumating din ang iba pang mga cast ng Home along Da Riles at kasama din nila na dumalo sa nasabing reunion ang kanikanilang mga anak.


Sa Instagram naman ay nagbahagi ng ilang mga larawan at Videos ang actress na si Claudine Barretto at makikita sa video na talagang namis na nga nila ang isa't-isa at masaya sila sa pagsamasama nilang muli.


Caption naman ni Claudine sa kanyang post, "11th death anniversary of Tatay Dolphy sabay Reunion @gio__alvarez @maybelyndelacruz @smokey_manaloto @boy2quizon_ with our staff & writers.we luv u Tatay kevin🙏🙏🙏🙏 #dolphy"


Bumuhos naman agad ang positibong mga komento mula sa mga netizens.





Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma