Rendon Labador, Tinawag Na “Laos” Si Lea Salonga!.

 


 Hindi nga pinalampas ng motivational speaker na si Rendon Labador ang tungkol sa nagviral na video ng Diva na si Lea Salonga tungkol sa pang iisnab daw umano nito sa kanyang mga fans.


Kung matatandaan ang issue ay nag ugat dahil sa tatlong pinoy na pumunta sa dressing room ng diva para daw umano makapagpapicture sa Broadway Diva.


Nitong kamakailan lang ay nagviral nga ng hosto ang video ni Lea Salonga na kung saan umani nga ng samu't saring mga reaksyon at komento mula sa mga netizens ang pagtrato niya sa tatlong pinoy fans.


Maayos naman na ipinaliwanag ni miss Lea Salonga na bawal sa dressing room niya ang wala sa guest list kaya naman pinapunta niya nalamang ang mga ito sa isang lugar para makapagpapicture ang mga ito sa kanya.


Sinang-ayunan naman ni Janno Gibbs si Lea pero binigyan din niya ito ng payo na ayusin ang pakikitungon sa mga fans upang hindi mapa hiya.


Samantala, may naging mainit at maanghang na reaksyon naman ang motivational speaker na si Rendon Labador sa nagviral na video ng Broadway Diva at tinawag niya na laos si miss Lea Salonga.


Banat ni Rendon sa Broadway Diva, "Ilang peraso na nga lang yung fans mo hindi mo pa ma cater. Madami talagang artista na may attitude sa totoong buhay. Kaya din kayo na lalaos."


Dagdag pa ni Rendon, "Mensahe ko sa lahat ng artistang laos na, wag kayong mag attitude kasi sisitahin ko talaga kayo."


Deritsahang Banat pa ni Rendon kay Lea Salonga, "Ang totoo niyan Lea laos kana! Buti nga may fans kapa. Matutu tayong tumanaw ng utang na loob sa mga supporters natin. Minsan ka lang makita tapos ginanun mo pa. Lumaki na masyado ulo mo!"


Bukod nga dito ay sinabihan din ni Rendon si Lea na masyado itong entitled na kaugnay parin sa kontobersyal na issue ng singer.


Saad pa ni Rendon, "Dapat nga magpasalamat kapa kasi ngayon maitatama mo na yung maling ugali mo. It's never too late to change Lea. Naniniwala ako sayo."


Samantala, umani naman ng samu't saring reaksyon at komento ang mga naging banat ni Rendon Labador sa Broadway Diva na si miss Lea Salonga.





Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma