Confirmed! Pauleen Luna Buntis, Vic Sotto Magiging Tatay Muli Sa Edad Na 69!

 


Kumpirmado na Pauleen Luna nagdadalang tao na bossing Vic Sotto magiging tatay na muli sa ikalawang baby nila ni Pauleen Luna.


Unang lumabas at kumalat sa social media ang balitang ito, ng hindi sumama si Pauleen Luna sa kasal ng kapatid ni Kristine Hermosa na si Kathleen Hermosa.


Tanging ang kanyang mag-ama lamang na sina Vic Sotto at Tali ang siyang nagpunta sa nasabing kasal na iyun ng kapatid ni Kristine Hermosa.


Kaya naman ipinagtaka iyun ng marami kung bakit hindi nakita sa nasabing event si Pauleen Luna, ayon naman sa ilang netizen na marahil ay pinag-iingat lamang si Pauleen sa unang yugto ng kanyang pagbubuntis sa pangalawang baby nila ni Bossing Vic Sotto


Samantala, kung matatandaan ay mismong si Joey De Leon na din ang nagkumpirma sa kanilang show na E.A.T matapos niyang tawaging buntis si Pauleen Luna ng ito ay papuntang stage.


Makikita nga sa video na tila nagulat pa si Pauleen sa pagtawag sa kanya na iyon ni Joey De Leon.


Kaya naman bilang reaksyon ay kaagad niya itong nilapitan at itinulak habang natatawa. 


Samantala, kahapon naman ay nagbahagi si Pauleen Luna sa kanyang Instagram account ng mga larawan na tila pagkumpirma niya sa talagang totoong siya ay buntis.


Nagpunta kasi si Pauleen sa recognition ng kanyang anak na si Tali at makikita nga sa mga larawan na proud siya sa kanyang anak na si Tali.


Caption naman niya sa kanyang post, "Happy moving up day my love! I'm so proud of what you've learned and achieved this school year! I love you and we'll always be here to support you!"


Sa ngayon ay magfofocus lang muna daw si Pauleen sa kanyang pamilya at sa pag-aalaga kay Tali at sa magiging bagong baby nila ni Bossing Vic.








Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma