Christian Merck Grey, Muntik Nang Mab4ril Ang Sariling Kapatid!


Walang hiya ka I almost Panick, ito nalang ang tanging nasambit ng vlogger at social media influencer na si Christian Merck Grey matapos na muntik na siyang makadisgrasya ng tao at hindi lang basta kung sino lang dahil sa kapatid pa niya mismo.


Sa YouTube video post kasi ng vlogger ay makikita ang nakuhanan ng kanilang CCTV footage sa kanilang sala ng kanilang bahay habang nakapatay ang ilaw.


Na alarma na ang mag-asawa ng makita nila sa kanilang monitor ang isang taong naka hoody na paikot-ikot sa sala nila at tila may hinahanap ito. 


Makikita din na kalat at magulo na ang mga bagay na nakaayos sa kanilang sala dahil sa paghahalungkat ng taong ito.


Kaya naman ay dahan-dahang bumaba ang vlogger para tingnan kung sino man ang taong iyun na nakita nila sa CCTV ng kanilang sala, at makikita din kay Merck na mayhawak itong baril na pangprotekta sa kanilang mga sarili kung sakasakali.


Ng naka puwesto na si Merck  malapit sa hagdanan ay dali-dali na niyang binuksan ang ilaw at itinutok ang dala niyang baril sa nasabing tao ngunit laking gulat niya ng ang kapatid lang pala nia ang taong ito.


Kaya naman dali-dali din niyang itinabi ang hawak niyang baril, at nilapitan ang kanyang kapatid at tinanong kung ano ang ginagawa nito sa sala ng ganoon ang ayos at madilim pa.


Paliwanag naman ng kapatid ng vlogger na hinahanap lang daw nito ang kanyang charger at kaya daw siya nakahoody ay dahil sa nilalamig ito  dahil sa aircon ng sala.


Iba't-ibang mga reaksyon naman ang naging komento ng mga netizen ukol sa pangyayaring ito na nagdulot ng kaba sa maraming mga tagahanga ng vogger.



Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma