Magbabalik Na Si Kuya Wil at Ang Wowowin!....

 


Tv host at aktor na si Willie Revillame tila nagpapahiwatig na sa kanyang nalalapit na pagbabalik sa telebisyon kasama ang kanyang programa na Wowowin.


Ito ay matapos siyang magbahagi ng kanyang isang music video sa sopcial media page ng kanyang programa na Wowowin.


Ang nasabing music video na ibinahagi ni Willie Revillame ay maypamagat na "Babalik Ako" at ito ay mismong si Kuya Wil ang nagsulat. 


Caption naman niya sa kanyang ibinahaging post sa social media, "Sa Programa ng Bawat Pilipino, Kayo ang Bida Dito. Abangan“ Babalik Ako” by Mr. Willie Revillame"


Sapamamagitan naman ng lyrics ng kanta ay nais iparating ni Willie sa mga taong makakarinig ng kanyang awitin na namimis na niya ang mga hiyawan at palakpakan ng mga tao na kanyang napapasaya sa kanyang programa. 


Sabi niya sa Lyric ng kanyang kanta, "Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita, palakpakan at hiyawan ay namimis ko na, mga yakap niyo ay nais ng muling madama, akoy nasasabik na kayo ay makasama."


Talagang sobrang excited na nga si Willie Revillame sa kanyang muling pagbabalik sa telebisyon para makapagpasaya ulit ng marami pang mga tao.


Bukod kasi sa siya ay nakakapagpasaya ay marami din siyang natutulongan na mga tao, kaya naman inaabangan na rin ngayon ng maraming mga tao ang pagbabalik ni Kuya Wil sa telebisyon.


Ngunit ang malaking tanong naman ngayon ng marami ay kung sa aling network ba si Willie Revillame muling eere at mapapanood, upang makapagpasaya ng marami pang mga tao.





Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma