Alden Richards May Malaking Rebelasyon!


Inaming ng Asia's Muti Media Star na si Alden Richards na naging mayabang daw siya noong nagsisimula palang siya sa kanyang showbiz Career.


Sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda ay nakapanayam si Alden at dito nga niya sinabi ang kanyang mga rebelasyon noong nagsisimula palamang siya sa kanyang kasikatan ng kanyang karera.


Tanong pa ni Tito Boy Abunda kay Alden, "Pano mo tinapik ang sarili mo na hey this is not permanent."


Ayon naman kay Alden na narealize daw niya na mali na ang kanyang mga inaasal at dahil sa naaapektohan na rin pati ang mga malalapit na tao sa kanya.


Saad ni Alden, "Nung na realize ko po yun Tito Boy pati yung malalapit sa akin na aapektuhan na, parang this people sila dapat yung huling magrereklamo sayo and then parang it hit me na baka ganun nga."


Kasunod naman nito ay natanong naman ni Boy Abunda ang tungkol sa pera o iba pang pangkabuhayan ni Alden bukod sa pag-aartista, na kung kumportabe o kaya niya na ba daw mabuhay sakaling huminto na siya sa kanyang trabaho.


Direkta naman sagot ni Alden na hindi pa raw dahil sa malaking bahagi daw ng kanyang kinikita ang kanyang pag-aartista.




 

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma