KD Estrada Todo Alaga Kay Alexa Ilacad!

 


Matindi ang ibinibigay na atensyon at pag-aalaga ni KD Estrada sa ka loveteam niyang si Alexa Ilakad sa special celebrity screening ng teleserye nilang Pirapirasong Paraiso.


Makikitang unang lumakad sa red carpet si KD Estrada at habang naghihintay sa iba pang mga cast ay tumambay muna siya sa gilid ng stage.


Nang ang ka loveteam na niya ang lumakad sa red carpet ay lumapit sa TV monitor si KD at kinunan ng video ang paglalakad ni Alexa sa red carpet.


Kahit na ka akyat na nga si Alexa sa stage ay tutok na tutok parin ang actor sa pagkuha ng video, at ng pababa naman si Alexa sa stage ay agad naman  ni umalalay si KD sa actress.


Sabay selfie silang dalawa,hanggang sa makarating na sila sa loob mismo ng Trinoma Cinema7 ay inasikaso parin si Alexa ni KD. 


Aakalain talaga ng makakakita sa kanilang dalawa ba tila magjowa ang dalawa dahil sa pag-aalaga at kasweetan ni KD sa kanyang on screen partner.


Samantala, makakasama nina Alexa at Kd Estrada sa Pira-pirasong Paraiso sina Charlie Dizon, Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Sunshine Dizon, Elisse Joson at iba pa.






Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma