Tvj at Dabarkads Dumating Na Sa Tv5!....

 



Tito, Vic and Joey at ang Dabarkads dumating na sa TV5 ng kapatid networks.


Sa opisina ng Tv5 ay muling nagkitakita at nagsamasama ang mga original host at ang mga production staff ng Eat Bulaga na nagsikalan sa TAPE inc.


Nito lang June 14, 2023 ay naglive video ang Tv host actor na si Ryan Agoncillo at pinapakita niya ang mga kasmahang host at staff sa studio ng Tv5.


Unang bungad naman ni Ryan sa nasabing video, "Mga Dabarkads alas dose na"


Na sinundan naman ni Jose Manalo ng pasigaw na sabi na, "Eat Bulaga na"


At itinutok naman ni Ryan kayna Allan K at Paulo ang kamera, sabay sabing naka live sila.


Bungad naman ni Allan K sa video na namimiss niya na daw mag live.


Binati din ng JoWaPau ang kanilang mga tagahanga habang isinashout out ang kanilang mga pangalan.


Ipinakita din ni Ryan sa video ang ilang mga production staff na nakasama na niya dati noon sa reality talent show ng Tv5 noon na Talentadong Pinoy.


Kung saan siya ay ang main host ng nasabing reality talent show ng TV5.


Ipinakita din ni Ryan sa netizens ang ilang mga TV5 bosses at ang ilang mga Tv5 staff.


Nabanggit din ni Ryan sa video na iyun daw ang unang araw na nagsamasama ang Dabarkads sa TV5.


Ibinahagi din ni Ryan sa netizens na sila daw ay nagpipicturial na doon para sa magiging debut ng kanilang show sa TV5.


Sinabi din ni Ryan na excited na daw sila sa nalalapit nilang pagbabalik sa ere at hiling niya sa lahat ng kanilang mga taga subaybay na abangan sila sa bago nilang tahanan.


Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma