Kim Chiu, Nagpasalamat Kay Anne Curtis! Very Humble!

 



Talagang nagiging solid narin nga ang pagkakaibigan ng dalawang kapamilya star na sina Anne Curtis at Kim Chiu, ito'y dahil sa tagal ba naman nilang nagsasama sa noontime show na It's Showtime.


Hinangaan ng maraming netizens at ng kanilang mga tagahanga ang pagiging mapagbigay ng dalawa sa bawat isa.


Madalas kasing napapansin na nagbibigayan sila ng center spot lalo na at may billing at maramihan.


Makikita nga na tila pinapaubaya na ni Kim ang sentro kay Anne Curtis ngunit ganun din si Anne na pinapaubaya na din kay Kim ang pwesto sa gitna ng stage upang maging center of attraction sa lahat ng mga manonood sa show.


Talagang napansin ng mga fans nila ito, dahil talagang maituturing na sila na mga malalaking artista sa showbiz ay talagang napaka humble parin ng dalawa.


Heto naman ang ilan sa mga naging komento ng netizen sa dalawa, "Heto na naman po sila opo. Meron pa dati niyan nagtutulakan, yang dalawa. Love My humbles girls."


Samantala, nagbigay naman ng komento si Kim ukol dito aniya, "Ate Anne is so giving love you ate @annecurtissmith."


Agad naman itong umani ng maraming mga positibong reaction mula sa netizens.

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma