Jose Manalo at Wally Bayola, Inalok Ng Tig 2 Million Ng Tape Inc.

 



Jose Manalo at Wally Bayola inalok ng mga Jalosjos ng Tig 2 million pesos para manatili sa Eat Bulaga ng TAPE incorporated.


Ngunit tinanggihan umano ng dalawa ang alok na ito ng mga Jalosjos sa kanila.


Ito ay ayon sa beteranang kulumnistang si Cristy Fermin na inalok daw sina Wally at Jose ng Tig dalawang milyon upang manatili sa Eat Bulaga ng GMA7.


Ayon pa sa kanya na ayaw daw ng mga Jalosjos na sumamama ang mga ito sa TVJ sa paglipat sa kapatid network ang TV5.


Aniya, "May tumawag po kay Jose at Wally na huwag daw sumama kaina Tito, Vic at Joey at agaran daw po padadalhan sila ng Tseking tig dalawang milyong pesos."


Dagdag pa ni Cristy, "Hindi po nila pinatulan ang tig 2 million pesos, at iyun na nga po sumama ang Dabarkads sa pag-alis ng TVJ sa TAPE inc."


Ibinulgar din ni Cristy na nadelayed din daw ang sweldo nina Wally at Jose noong nakaraang buwan.


Ayon pa sa kanya na isang sourece daw ang nagsabi sa kanya na yung mga panahon ding iyun ay delayed din daw pala ang sahod nila sa Eat Bulaga.


Pahayag niya pa, "Napaka bait ng dalawang ito wala kang maririnig, walang reklamo nagshoshow bigay na bigay ang isang daang porsento ng kanilang pagtatrabaho hindi pala sila sumesweldo."


Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma