Andrea Brillantes Binusabos Ni Renden Labador Sa Social Media!

 



Social media influencer at motivational speaker na si Rendon Labador muli na namang bumanat sa social media.


Dito nga ay binanatan at nag may patutsada si Rendon Labador sa actress na si Andrea Brillantes hinggil sa naging hiwalayan ng magkasintahang Ricci Rivero at Andrea Brillantes.


Matatandaang nitong kamakailan lang ay naging mainit na usap-usapan sa iba't ibang social media flat forms ang paghihiwalay ng dalawa.


Unang pahayag nga ni Rendon sa kanyang post, "Career muna bago landi #stay motivated."


Aniya pa, "Motivation para sa lahat ng iniwan, Career muna bago landi, "


Samantala, hindi parin nga nakontento doon si Rendon at muli na namang nagbitaw ng maanghang na mga pahayag para sa actress na si Andrea Brillantes.


Matapos nga na magviral sa social media ang video ni Andrea na naglalaro ng nagtetrending na larong lato-lato.


Dito nga ay hindi na pinalampas ni Rendon ang pagiging masaya at malaya ni Andrea sa nagviral na video.


Tila makahulogan nga ang naging pahayag ni Rendon sa pagkakataong ito, na tila nagpapahiwatis sa rason kung bakit naghiwalay ang magkasintahang Ricci at Andrea.


Saad ni Rendon Labador, "MARAMING PERA PERO ISIP BATA, iiwanan talaga namin kayo #CareerMunaBagoLandi"


"Para sa lahat ng taong iniwan ng Jowa. Oras na para ayusin ang mga sarili ninyo. Hindi namin kaylangan ng babaeng MARAMING PERA, Mas appealing ang babaeng matured mag isip at may priority sa buhay."


"Wake up call sa lahat ng kabataan ito na puro paganda lang ang alam pero wala naman laman ang utak. In short, TURN OFF ang babaeng IMMATURE #PrayForAndrea #MoveOn #StayMotivated."


Dagdag pa niya, "Yung mga taong nagpapakita na masaya sila... Minsan sila pa yung taong sobrang nasasaktan."


Ipinagtanggol naman ang actress ng kanyang mga fans at inulan ng pambabatikos at puro negatibong komento si Rendon dahil sa kanyang mga naging patutsada kay Andrea Brillantes.

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma