Inaming Scripted Ang Contestant Ng Eat Bulaga, Buboy Villar Humingi Ng Paumanhin!....


 

Tv host comedian na si Buboy Villar may inamin tungkol sa scripted issue ng isa sa mga segment ng Eat Bulga, ng TAPE incorporated.


Inamin ni Buboy Villar na totoong kakilala niya ang nagviral na contestant sa nasabing segment ng Eat Bulaga.


Pero nilinaw naman niya, na hindi raw niya alam na pupunta ito, bilang studio audience o makakasali ito sa segment ng kanilang show.


Matatandaan na naging mainit sa mga netizens at sa mga solid fans ng TVJ at ng Dabarkads ang bagong Eat Bulaga show ng mga Jalosjos kasama ang mga bagong host nito.


Dumagdag pa ang pagka, puna  ng mga netizens sa nasabing contestant na kilalang-kilala umano ni Buboy Villar.


Na ayon sa mga netizens ay nandaya ang mga ito dahil sa naturang segment ng Eat Bulaga ay nagpanggap na hindi magkakilala sina Buboy Villar ay ang naturang contestant.


Hindi nga kasi nakalusot sa mapanuring mga mata ng netizens ang nasabing contestant na ito at namukaan nila na matagal ng kakilala ni Buboy Villar ang nasabing contestant na ito.


At dahil nga sa pangyayaring ito ay tinawag na ng mga netizensn na scripted ang mga sumasali sa nasabing show na ito ng Eat Bulaga.


Samantala, sa isang panayam naman ay hiningian ng opinyon si Buboy kung ano nga ba ang masasabi niya ukol dito.


Ayon naman kay Buboy Villar, "Will talagang nasa script po ang laro namin, kasi syempre mahirap naman po ata to, hindi naman po ito birthday lang na parang nagsasabi kami ng bring me, yun na po agad ang laro namin."


"So aral po yung mga laro namin dito, pero pagdatting napo sa mga contestant ay hindi na po namin alam iyun."


At dito na nga inamin ni Buboy Villar na kaibigan niya ang naturang contestant na nagviral sa social media.






Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma