Arjo Atayde Namanhikan sa Ancestral House nina Maine Mendoza, 1 Month Bago ang Wedding!


 Pormal na ngang namanhikan sina Arjo Atayde at ang kanyang pamilya kay Maine Mendoza at sa pamilya ni Maine Mendoza.


Sa Instagram ay ibinahagi ng actress at ina ni Arjo Atayde na si Sylvia Sanchez, ang ilang mga larawan at video nag pagbisita ng Atayde Family sa pamilya ni Maine Mendoza.


At makikita sa video na ibinahagi ng actress na masayang-masaya sila sa sa kanilang pagbisita sa mga Mendoza Family.


Makikita sa ilang mga larawan na nagsamasama ang dalawang pamilya.


Caption naman ni Sylvia sa kanyang post, "June 25, 2023 Pamamanhikan❤️

The Ataydes & Mendozas will soon merge as one family🙏❤️

Excited 💃🕺💃#family#happiness#thankuLORD

Happy evening 😘😘😘"


Sa mga na unang mga balita ay sinabi na malapit ng ikasal ang celebrity couple na sina Arjo at Maine, ngunit hindi nila na banggit kung kailan ngaba kaya ang eksaktong petsa ng kanilang kasal.


Pero ayon sa kanilang mga fans at sa ibang mga netizens na posibleng sa July 28, sila ikasal dahil matatandaang sobrang espesyal ng petsa na iyun sa dalawa.


Matatandaan din na noong July 28,2013 ipinost ni Maine ang Arjo Cutie tweet niya at aminado din si Maine na crush niya dati pa si Arjo Atayde.


At July 28,2018 naman ang first meeting nilang dalawa na ipinost din ng actress tv host.


At July 28,2022 naman nagproposed si Arjo kay Maine Mendoza kaya posibleng ngayong July 28, nila gawin ang kanilang kasal.




 





Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma