New Look Ni Chiz Escudero Sa Paris Fashion Week, Trending!...

 


New Look o bagong pormahan ng Senador na si Chiz Escudero sa Paris Fashion Week, nag trending sa social media.


Maituturing na isang Intagram Ultimate husband nga itong si Senador Chiz ng makasama niya ang kanyang asawa na si Heart Evangelista sa Fashion Week sa Paris, at talagang napaka supportive ni Chiz kay Heart.


Sa Instagram kasi ay ibinahagi ng actress at fashion icon na si Heart Evangelista ang ilang mga larawan nila ng kanyang husband na si Chiz Escudero, na nakasama niya sa Haute Couture Week.


Makikita sa ilang mga ibinahaging larawan ng actress sa Instagram na may hawak na camera ang Senador at kinukuhanan ng picture si Heart.


At sa iba pang mga larawan na ibinahagi ni Heart ay makikitang nagglow up nga ang Senador at tila sumabay na nga ito sa pagiging fashionista ng kanyang asawang si Heart. 


Makikita ang fashionable na kasuotan ni Chiz at talagang gwapong-gwapo niyang tingnan sa suot niyang all white na outfit.


Na naging dahilan para magtrending siya sa social media, at sinabi din sa caption ng post ni Heat na weniwelcome niya ang asawa sa Paris Fashion Week at tinawag niya pa itong new Era.


Caption ni Heart, " Told you it was the NEW ERA ✨ bravo @escuderochiz !:) officially welcoming you to fashion week !📸"


Agad namang bumuhos ang mga positibong mga komento ng mga netizen sa post na ito ni Heart at sa New Look ng Senador.




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma