Deborah Sun, pitong Taon ng Libre ang Condo, Dahil kay Ara Mina!


 Deborah Sun, pitong taon na napinapatira ng beteranang actress na si Ara Mina sa condo unit nito ng Libre.


Sa isang panayam ay naibahagi ni Deborah Sun na pitong taon na daw siya na pinapatira ni Ara Mina ng libre sa condo nito.


Sa vlog ni Snooky Serna ay naikuwento niya na bukod raw sa pagpapatira ni Ara Mina sa kanya ng libre sa naturang condo ay binibigyan pa siya nito ng mga groceries.


Saad niya na mismong si Ara Mina raw ang nag-alog na doon siya tumira sa nasabing condo.


At kapag nasa ibang bansa daw ito ay hindi raw niya nakakalimutan si Deborah.


At ibinahagi din niya na maging si Philip Salvador din daw na kanyang tiyohin ay hindi rin daw nagdadalawang isip kapag siya ay nangangailangan ng tulong financial.


Maging si Boy Abunda ay tumutulong din daw sa kanya, lalo na pagnilalapitan niya ito para humingi ng tulong.


Aniya, "Hindi ako obligasyon ni Boy, pero paglumapit ako kay Boy ay hindi niya ako tinatanggihan, kahit anu bumano ako kay Boy pang hospital andyan si Boy Abunda talaga."


Nagpasalamat din siya kay Aiko Milendez, dahil hindi raw umano nito pinababayaan ang kanyang kapatid sa kanya.


Saad niya, "Ikaw kung ano kung baga, malaking tulong si Aiko, malaking tulong ginagawa ni Aiko para sa kapatid niya, sa anak ko kay Jimmy Milendez."


May roon din naman daw siyang mga itinitext na hiniingian niya ng tulong para siya ay makapagtrabaho, ngunit ayon sa kanya ay tila wala parin daw mga tiwala ang mga ito sa kanya dahil baka daw iniisip pa ng mga ito na hindi parin siya nagbabago at patuloy parin sa kanyang bisyo.


Matatandaang noong taong 2019 ay nasangkot sa eligal na droga si Deborah at hinuli ng mga pulis sa isang buy bust operation sa Quezon City.


At ayon pa sa Report na kasama ni Deborah na inaresto noon sina Andela Salvador, Gerald De  Gusman at Gonzalo Gonzales.


At sa condo unit mismo ni Ara Mina inaresto si Deborah at ang mga kasmahan nito. 


Nagbigay naman ng pahayag si Ara Mina ukol dito, dahil wala itong kaalam-alam na gimagamit na pala ng bintahan ng eligal na droga ang kanyang condo.










Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma