Willie Revillame May Ibinulgar Sa Publiko! Inaming Hindi Niya Ito, Kayang Gawin Sa TVJ!....

 


Willie Revillame mayrespeto parin sa TVJ, ito ay kanyang ibinulgar sa publiko na hindi niya kayang gawin ito kaina Tito, Vic at Joey.


Nabigo ang mga Jalosjos na may-ari ng TAPE incorporated nang kumbinsihin nila si Willie Revillame na magguest sa Eat Bulaga ng GMA7 nitong sabado July 1, 2023. 


Si Willie Revillame sana ang magiging panlaban sana nila sa TVJ na nagsimula ding emere nitong Sabado ang bagong programa ng mga ito sa TV5. 


Para hindi sila mapag-iwanan sa ratings ng kanilang show dahil kasabay din ng TVJ na umere ang It's Showtime ng kapamilya network sa GTV na isang free channel na pagmamay-ari ng GMA7.


Sa programa ni Cristy Fermin sa kanyang YouTube channel na Cristy Ferminute ay napag-usapan nila ang tungkol sa usapang ito, na tinanggihan daw umano ni Willie Revillame ang offer sa kanya ng mga Jalosjos na magguest sa kanilang noontime show na Eat Bulaga.


Ani Cristy, "Noong biyernes, June 30, ay nagkita-kita po sina Willie at ang magkapatid na mga Jalosjos upang alokin si Willie na magguest sa kanilang programa na Eat Bulaga sa GMA7."


"Ngunit isa lang ang sinabi ni Willie matindi ang respeto ko kaina Tito, Vic at Joey, hindi ko magagawa yun."


Papayag lang daw si Willie kung ang kanyang programa na Wowowin ang kanilang gagawin imbes na Eat Bulaga, dahil ayaw niya daw na banggain ang TVJ dahil sa malaki ang respeto niya sa mga ito.


Dagdag pa ni Cristy Fermin an sabi daw ni Willie sa mga Jalosjos na kung ang dahilan daw ng mga Jalosjos kung bakit nila kaharap si Willie ay ang Wowowin ay mapag-uusapan daw nila ito ng maayos.


Pero ang tapatan ang TVJ at ang Dabarkads ay hindi daw iyun magagawa ni Willie, dahil sa tinde ng respeto niya sa TVJ.


Ayon nga sa mga netizen na negosyanting tao daw itong si Willie at hindi nga siya ang tipo ng tao na susugal sa hindi naman daw niya ikakapanalo.


Tila batid din daw umano ni Willie na marami ang tatalikod sa kanya kapag tinanggap niya ang offer ng mga Jalosjos at baka masira lang ang maganda niyang reputasyon.




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma