Ginawa Ni Toni Fowler Sa Bar Ni Whamos, nagviral at pinag-usapan!

 


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang naging mainit na performance ng vlogger na si Mommy Toni Fowler sa opening nga bagong tayong business ng mag-asawang Whamos Cruz at Antonette Gail na isang bar.


Na ipinangalan nila sa kanilang anak na si baby Meteor, ang Meteor's Bar. 


Sa opening nga ay dinaluhan ito ng iba't-ibang mga kilalang mga personalidad sa mundo ng social media. Tulad nalang ng vlogger na si Boss Toyo, Jhekkpot, at iba pa.


Bukod naman kay Mommy Toni Fowler ay isa pa sa mga nag perform dito ay ang controversial na rapper sa si Skusta Clee na nagbigay din ng magandang performance sa nasabing opening ng Bar.


Samantala, viral nga ngayon ang naging performance ng vlogger at influencer na si Toni Fowler sa nasabing bar nina Whamos at Antonette Gail na Meteor's Bar.


Base kasi na nagviral na video ngayon ni Toni Fowler ay tila naglato-lato daw ito sa kanyang naging performance sa nasabing opening.


Kasabay naman nito ay ang pagkanta niya ng kanyang controversial na mga kanta na MPL at MNM, at pinag-usapan din maging ang suot nito habang nagpeperform na ayon sa mga netizens ay kinulang daw sa tela.


Kaya naman binatikos ng sobra ang vlogger sa naging performance nito sa bagong business ni Whamos na isang Bar.


Narito naman ang ilang mga naging komento ng netizen para sa vlogger na si Mommy Toni Fowler, "Nakakahiya naman yung buong mundo yung nakakakita."


"Kala niya tuwang-tuwa mga tao sa kanya, at feeling niya naseseksihan mga tao sa kanya."


"Huhu buti sana kung original yan, di naman mal*awa, panoorin."


"Wala nang bago diyan, lato-lato nalang talaga ang puwede niyang i-talent."


"Walang respeto sa sarili, sobrang lib*g! Babae pa naman anak mo."


"Sana ma ban yang mal*swa mong mga video! Be respect your self."


Patunay lang ang mga komentong ito na marami parin talagang mga netizens na hindi tanggap ang uri ng trabaho na mayroon ang controversial na vlogger na si Mommy Toni Fowler.


Samantala, tila hindi naman apektado si Toni Fowler sa mga naging komento ng ibang mga tao sa kanya.


Sa katunayan nagbahagi pa nga si Mommy Toni Fowler sa social media account nito ng larawan niya na suot ang kanyang naging outfit sa Meteor's Bar.


Pabirong caption pa nito sa kanyang post, "Di ako yung nasa video na kumalat promise!"



Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma