Tito Vic at Joey Pormal Nang Nagsampa Ng Kaso Laban Sa Mga Jalosjos Ng Tape at Gma Network!


  TVJ pormal ng nagsampa ng kaso laban sa TAPE incorporated at sa GMA network, ang kaso na kanilang isinampa ay copyright dahil sa patuloy parin na paggamit sa Titulong Eat Bulaga.


Ito ay kaugnay parin sa issue ng pag-aagawan nila sa Titulong Eat Bulaga, at tila malaking laban na nga ngayon ang susuongin ng TVJ mula sa puntong ito.


Dahil pati ang GMA network na pagmamay-ari ng mga Gozon ay tinabla na nina Tito, Vic at Joey.


Ayon sa kaso ay hindi raw umano pagmamay-ari ng mga Jalosjos ang titulong Eat Bulaga kaya kinasuhan na nga sila ng TVJ sa patuloy parin nilang paggamit sa naturang titulo.


Dahil sa Joey De Leon daw di umano ang may akda ng titulong Eat Bulaga at walang sinomang puweding gumamit ng titulong ito malipan sa TVJ dahil sila lang ang may karapatan na gumamit nito.


Ayon pa sa TVJ na dinaya umano sila ng mga Jalosjos dahil sa ipinarehistro nila ito ng hindi nila nalalaman, kaya ang lumalabas ngayon ay ninakaw umano ng mga TAPE incorporated ang titulong Eat Bulaga mula sa TVJ.


Sa ngayon ay inaabangan na ng marami ang magiging sagot ng TAPE incorporated at ng GMA networks ukol dito.



Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma