Nilaglag Ni Katrina Paula Ang Kaibigang Si Sabrina M | Rico Yan Cristy Fer Minute!

 


Hindi malaman ng dating sexy actress at matalik na kaibigan ni Sabrina M na si Katrina Paula kung saan kumuha ng idea si Sabrina na sabihin sa publiko na nagkaroon sila ng relasyon ng namayapang actor na si Rico Yan.


Gayung dalawang dekada na nga ang nakalipas magmula ng pumanaw si Rico Yan kaya ipinagtataka ng marami ay bakit ngayon lamang niya ito inilabas.


Ngunit Ayon mismo kay Katrina na noon paman ay maygusto na umano si Sabrina kay Rico Yan, at ayon naman sa kulumnistang si Cristy Fermin ay baka naman naghahalusinasyon lamang daw itong si Sabrina M noong mga sinabi niya na mayrelasyon sila ng actor.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na dati ng nalolong sa ipinagbabawal na gamot o druga si Sabrina M. 


Gayun paman ay mariin naman na itinanggi ng kanyang kaibigan na si Katrina na hindi na umano ito gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ngayon.


Baka daw kaya lamang nagawa ni Sabrina na gumawa ng kuwento ay upang makilala siyang muli sa mundo ng showbiz.


Nagpasalamat naman si Katrina Paula kay Claudine Barretto dahil sa ipinakita nitong kabaitan sa kanya.


Ayon pa kay Katrina na malumanay pa umanong nakiusap sa kanya si Claudine na sana ay kausapin niya si Sabrina tungkol sa mga nilabas nito sa publiko upang malinis ang pangalan ni Rico Yan.


Samantala, sa Instagram naman ni Claudine Barretto ay naglabas din siya ng kanyang pahayag ukol sa usaping ito.


Aniya, "Appreciation post.i want to thank @realkatrinapaula for telling the TRUTH! Divine intervention gina ni God at Rico.i really found a new friend/sister."


"Thank you so much in behalf ng #rycbforever .im happy that this is a start of a new friendship & sisterhood sobra sobrang SALAMAT!🙏 for clearing the names of both RICO. #RYCB & #claudiniansforever. #claudinian @realkatrinapaula palanggas pls follow Katrina Paula sa IG @realkatrinapaula pasalamat tayo sa kay Katrina.pls thank her for standing up for Rico’s name pati ako.my Palanggas mag pasalamat tayo.❤️❤️❤️"


Agad naman itong umani ng Samu't saring mga reaksyon at komento mula sa mga netizens.



Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma