Reaksyon Ng GMA Tungkol Sa Demanda Ng TVJ Para Sa Eat Bulaga! May 30 Days Para Sumagot Sa Korte!

 


TVJ o sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon pormal na ngang naghain ng reklamo o demanda laban sa TAPE incorporated at GMA7.


Sa aming nakalap na impormasyon ay pinasasagot daw ng branch ng Marikina Regional Trial Court ang TAPE incorporated na pagmamay-ari ng mga Jalosjos pati na din ang GMA7.


Ito ay tungkol sa copyright ng titulong Eat Bulaga dahil hindi raw talaga ang TAPE ang may-ari o gumawa ng titulo na Eat Bulaga.


Ngunit ang ipinagtataka lang ng mga netizens ay kung bakit kasama na kinasohan ng TVJ ang GMA7 management dahil ayon nga dati ay hindi kasama sa alitan ng TVJ at ng pamunoan ng TAPE incorporated ang GMA network.


Dahil sa ang TAPE incorporated na pagmamay-ari ng mga Jalosjos ay na ngungupahan lang sa Timeslot ng GMA 7 kaya palaisipan ngayon ng marami kung bakit kasala sa  kaso ang GMA7.


Naka saad din sa inihaing reklamo ng TVJ na may 30 days lamang ang mga Jalosjos at ang GMA 7 para sumagot sa demanda na ito ng TVJ.


Sa mga hindi naman nakakaalam kung bakit kasama si Jeny Ferre  sa TVJ na nagtreklamo ay si Jeny ay ang Head writer ng TVJ at sa mga segments ng kanilang programa.




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma