Alden Richards Pupunta Sa Kasal Ni Maine Mendoza?.....


 Sa isang eksklosibong panayamay natanong si Alden kung magiguest ba siya sa ilang mga noontime shows tulad nalang ng Eat Bulaga ng TAPE incorporated na pagmamay-ari ng mga Jalosjos O kaya ay sa It's Showtime na ngayon ay nasa GTV na isang free channel ng GMA7.


Saad naman ni Alden ukol sa mga katanongang ito sa kanya, "Malaki ang pasasalamat ko sa manager ko, sa kanya ko ino-open ito na sabi ko na with everything na nangyayari ngayon sa noontime show sa Pilipinas na puwedeng hilingin ko lang po na kumbaga alam niyo naman kung saan ako galing."


"Of course in terms sa relationship na mayroon ako of course nandito sa puso yun sa TVJ at sa Dabarkads with those words hindi ko na kailangan magpaliwanag."


Dagdag pa ni Alden, "Pero let me clarify lang po its not necessary na maging regular or guest, hindi puwedeng magpromote ako ng shows na meron ako under GMA but it's about promo puwede pero as aguest host o regular host baka hindi po muna yung puso ko pa nasa Dabarkads."


Inamin din ni Alden na sa simula palang ay inofferan na siya na magguest bilang isang host sa noontime show ng GMA7 na Eat Bulaga kasama sina Isko Moreno, Buboy Villar, Paolo Contis at iba pa.


Pero tinanggihan daw niya ito dahil sa malaki daw ang respeto niya sa TVJ na siyang tumulong sa kanya para maging mas makilala sa industriya ng showbiz.


Pahayag ni Alden, "Tahimik lang ako hindi ako nakisawsaw pero ang loyalty ko, not naman loyalty but ang relationship ko sa TVJ ay sinabi ko ang Peace ko."


Pagpapatuloy niya pa, "Hindi naman ako plastic hindi ko puwedeng sabihin na wala kaming pinagsamahan ng Dabarkads na dahil wala na sila sa GMA hindi na ako kumbaga I let go all the things sa mga taon na iyun."


Dagdag niya pa, "That's basic human rights mo karapatan ko yun to really defend kung anu yung relationship at yung frespeto na binibigay ko sa mga taong nakakatrabaho ko."


Sa pang huling tanong naman kay Alden ay natanong kung maydadalohan ba siyang kasal ngayong buwan ng July, at alam naman na siguro ng lahat na kasal ni Maine at Arjo ang tinutukoy sa tanong na ito kay Alden.


Sagot naman ni Alden, "Mediyo puno po ang schedule ko, wala po yata hahaha." napatawa nalang si Alden.






Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma