Anne Curtis at Vice Ganda, Nagkaroon ng Matinding pag-aaway?

 


It's Showtime hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis nagkaroon daw ng matinding away dahil lamang sa isang napakaliit na dahilan.


Ang matalik na magkaibigang sina Anne Curtis at Vice Ganda ay nagkainitan hanggang sa humantong na sa pagtatampuhan ang kanilang naging pag-aaway.


Kuwento ni Anne Curtis, nakakaloka nga daw ang nangyari sa kanila ni Vice dahil sa napakaliit na bagay lang naman pala ang naging dahilan ng kanilang tampuhan na dalawa.


Sabi pa niya sa isang interview na totoong parang isang tunay na magkapatid na daw ang turingan nilang dalawa ni Vice kaya tulad nga ng ibang mga magkapatid ay nagkaroon nga din sila ng matinding away.


Sa pagguest kasi ni Ann Curtis sa Programa ni Boy Abunda na FastTalk ay na tanong siya na kung nag-aaway ba sila ni Vice Minsan dahil sa kanilang mga kulitan at mga kalokohan.


Dito nga ay inamin ni Anne Curtis na ang pinaka matindinig away nila ni Anne ay dahil lamang sa water melon shake na natapon at doon na nga nagsimula ang kanilang away. 


Ani Anne, " Opo nangyari na po saamin iyun ni Vice pero nakakatawa po ang dahilan kasi dahil lang sa isang water melon shake" sabay tawa ni Anne Curtis.


Aniya pa, "Talagang yung relationship namin yung talagang away magkapatid, dahil lang natapon yung water melon shake, tapos noon lang yun nagstart ."


Hanggang sa lumaki ng lumaki daw ang kanilang pag-aaway ngunit hindi rin naman iyun nagtagal at nagkabalikan din ang kanilang mga loob at magkabati na nga sila dahil napag-usapan na nga nila iyun ng maayos.


Dagdag pa ni Anne na mula raw noon ay hindi na sila nag-away pang muli ni Vice.


Umani naman agad ito ng maraming mga reaksyon at komento mula sa mga taong patuloy parin na sumusubaybay sa kanilang noontime program.




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma