Napaiyak Si Sunshine Dizon Sa Kanyang Award!


 Naging emosyonal ang actress na si Sunshine Dizon matapos siyang makatanggap ng parangal bilang movie actress of the year para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Versus.


Sa ginanap na 38th PMPC Star Awards nitong linggo July 16, hingdi nga napigilan ng actress ang mapaiyak sa bagong na achieve niya ngayon.


 Sa kanyang Instagram account nga ay ibinahagi din niya sa kanyang mga followers ang natanggap niyang trophy at certificate at naghagi din siya ng ilang mga video ng pagpapasalamat niya sa madla.


Caption naman niya sa kanyang post, "Taos pusong pasasalamat sa lahat ng bumubuo at mga hurado ng 38th PMPC Star Awards."


"Marami pa po sana akong gusto sabihin kagabi but i got too emotional and overwhelmed. So please allow me to properly say what I should’ve said last night."


"Thank you @versus_pelikula Sir Art Cruz and Maam Riz Cruz of ADCC Productions for giving me the opportunity to give life to Lea Santos and producing our Writer Director’s @joverjoel beautiful story."


Bumuhos naman ang mga mensahe ng pagbati mula sa mga netizens at sa kanyang mga fans ang kanyang natanggap.




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma