Ginawa Ni Lea Salonga Sa Kanyang Mga Fans, Inulan Ng Samu’T Saring Reaksyon!

 


Nagviral at mainit na pinag-uusapan ngayon sa iba't ibang mga social media platform ang kuhang video ng singer na si Lea Salonga.


 Kung saan ay makikita sa video na tumanggi siya na magpakuha ng larawan sa tatlong mga Pinoy.


Kabilang ang isa umanong co producers ng kanyang show, sa loob ng kanyang dressing room sa New York.


Sa ngayon ay gumaganap si Lea sa musical na " Here Lies Love" sa Broadway.


Makikita pa sa nasabing video na si Lea Salonga ay palabas na ng kanyang dressing room ng dumungaw sa pintoan ang tatlong mga Pinoy.


Tanong pa nga ng isa na mariring sa video, "Hi miss Lea! Can we take pictures with you?"


Sagot naman ng singer sa mga ito, "Who are you I'm sorry I don't know who you are."


Sagot naman muli ng Pinoy, "We're just a fan please!"


Mariin namang ipinaliwanag ni miss Lea na kung wala raw sa guest list ay hindi pinapayagan sa dressing room.


Ani Lea, "If you're not on the guest list we cannot have you back here. So you'll have to get to the door because if I allow now then other people are ganna take advantage."


Saad naman ng isa sa tatlong pinoy na co-producer umano siya ng nasabing show ng singer, ang US-Based pinay actress na si G. Toongi.


Sagot naman ulit ni Lea, "Oh okay so that's why you're not on the guest list."


Kasunod nito ay pinayuhan ng singer na pumunta sa malapit sa exit ng theater para doon sila magpa picture taking.


Aniya, "I'll see you at the door but don't go outside. Stay inside the door."


Ani pa ni Lea, "Kasi kung wala sa listahan hindi namin puwede ipasok. For security, please don't do that again."


Naintindihan naman ng maayos ng tatlong mga pinoy ang rason ni miss Lea, at kalaunan nga ay nakapagpapicture din sila sa sikat na singer na si Lea Salonga.


Gayunpaman, ay sa caption ng ipinost ng isa sa mga pinoy na nais magpapicture sa Broadway star ay tila na dismaya ito sa ipinakitang asal sa kanila ng singer na si miss Lea Salonga.


Ayon sa nasabing caption ng isang pinoy ay, sana daw ay binigyan manlang daw sana sila ni mass Lea ng kaunting respeto, bilang mga fans na ang nais lang naman daw sana ay maka pagpapictures sa singer.


Caption ng kinilalang si Christopher Retokelly Carpila, "Para kay ate Lea, if ever naman po na mali kami at wala sa guest list, the fact na nandoon na kami para magpapicture, pumila at nagbayad ng mahal para sa show, siguro naman po bilang kapwa Pilipino at mga fans eh mabigyan ng kahit konting respeto kahit hindi na yakapin or i-beso ay mabigyan ng kahit sandaling magpapicture."


Samantala, matapos magviral sa social media ang nasabing video na ito ni miss Lea Salonga ay tila mag pagtugon naman dito ang Broadway Diva.


Ani miss Lea sa kanyang Twiiter post, "Just a reminder, I have bounderies. Do not cross them. Thank you!."






Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma