Kim Chiu May Mensahe Kay Xian Lim!...

 


Sa Instagram ay ibinandera ng TV host actress na si Kim Chiu kung gaano niya kamahal ang longtime boyfriend niyang si Xian Lim.


Nitong nagdaang July 12 ay ipinagdiwang ng kapuso actor director na si Xian Lim at siyempre hindi naman magpapahuli ang actress TV host na si Kim Chiu sa pagbati sa kanyang pinakamamahal.


Sa Instagram account nga ni Kim ay ibinahagi niya ang mga larawan at mga videos nila ni Xian na masayang magkasama.


Kalakip naman nito ay ang napakasweet na mensahe niya sa kanyang minamahal na si Xian Lim.


Aniya sa kanyang caption, "Happy Birthday to the person who holds my ❤️. Thank you for being you and always putting a smile on my face. Cheers to many more laughs to share, places to explore, things to solve, and many more, most especially birthdays to celebrate. ☺️🎂 I am always here for you, supporting you in everything you do!😘 Happy Birthday @xianlimm ❤️🎂💋🥂"


Nagpasalamat naman ang actor sa pagmamahal sa kanya ng nobyang si Kim Chiu.


Reply ni Xian sa matamis na mensahe sakanya ni Kim Chiu, "🥹🥹🎂 Thank you for this! I love you so much 🥹🥹🥹❤️❤️❤️"


Matatandaang noong 2012 palang ay nagdedate na silang dalawa pero noong 2018 lang kinumpirma ng actress ang kanilang relasyon ng actor.


Sa isang vlog nga ay inamin ni Kim na halos isang taon daw siyang niligawan ng actor matapos ang kanilang kapamilya series na "My Binondo Girl."





Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma