Alden Richards Hahayaan Nalang Ang Mga Fans!

 


Ngayong darating na July 16 linggo ay ipagdiriwang ng mga loyal fans nina Maine Mendoza at Alden Richards ang 8th Anniversary ng AlDub Kalye Serye.


Kahit na matagal na ngang wala ang loveteam nina Alden at Maine na AlDub na nagsimula sa longgest running noontime show na Eat Bulaga ay nananatili parin ang mga diehard supporters nina Maine at Alden.


Nakakabilib lang na hindi parin nga nawawalan ng pag-asa ang mga loyal fans ng AlDub na patuloy parin na umaasa na baka isang araw ay muling magbalik ang AlDub at magkasama sa isang project sa pelikula man o sa teleserye.


Samantala, sa panayam ng press kay Alden sa press con ng Battle of the Judges, kung saan ay si Alden ang magsisilbing host ay natanong nga ang tinaguriang Asia's Muti Media Star na kung ano ang mensahe niya sa mga fans nina Maine na naka takda nga daw na magdiwang para sa ika 8th Anniversary ng Aldub.


Aniya, "Sinagot ko po lahat ng espekulasyon tungkol sa amin ni Maine na kung may anak man po kami, pero wala po kaming anak at hindi rin po kami kasal."


"I'm sure Maine po has said her part as well, ngayon we can all explain so much."


Aniya pa, "Pero yung iba po talaga ay hindi namin mapaniwala and kung masaya po sila sa ganitong set-up ayaw ko na po silang pigilan pa."


Kung baga kung saan po sila masaya and go on kumbaga and the end of the day malaki po ang pagpapasalamat ko sa kanila for the support that they had giving me and I during our time po sa AlDub.


Samantala, sobrang saya din ngayon ni Alden an nakapasok sa Metro Manila Film Festival ang kanilang pelikula ni Sharon Cuneta na "A Mother and a Son Story."




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma