Eat Bulaga at EAT Ng TVJ Magtatapatan Pabonggahan Sa 44 Anniversary Special Ng Kanilang Show sa July29, 2023.


 Eat Bulaga at EAT Ng TVJ Magtatapatan Pabonggahan Sa 44 Anniversary Special Ng Kanilang Show sa July29, 2023.


Sa ngayon nga ay naghahanda na daw ang Eat Bulaga ng TAPE incorporated na pagmamay-ari ng mga Jalosjos para sa darating na 44 Anniversary Celebration ng nasabing noontime show ngayong darating na July 29.


Ito ang ibinunyag ng mga Jalosjos pati na sina Isko Moreno at controversial TV host na si Paolo Contis.


Marami naman sa mga netizens ang napa-react sa naging pahayag na ito ng kampo ng mga Jalosjos, dahil ayon nga sa mga netizens na tila hindi raw magandang tingnan na ibang mga sets ng host raw mismo ang magdiriwang sa nasabing 44 Anniversary celebration ng Eat Bulaga.


Samantala, hindi naman magpapatalo ang TVJ dahil maging sila ay mayroon ding inihanda ng special na handog para sa mga manonood ng kanilang baong programa sa TV5 bilang pagdiriwang din ng kanilang 44 years sa pag-ere sa Telebisyon.


Ayon naman sa mga Jalosjos ana talagang dapat abangan daw ng mga manonood ang kanilang programa dahil sa marami daw umanong inihandang pasabog ang kanilang mga host na siguradong ikakatuwa ng mga manonood.


Sigurado din daw na magugustuhan  umano ng kanilang mga tagasubaybay ang mga pasabog nila dahil sa mas malalaking papremyo pa daw ang kanilang ipapamigay sa nasabing araw ng kanilang annebersaryo sa telebisyon.


Nilinaw din ng kanilang kampo na wala raw umanong katotohanan na hanggang sa katapusan nalang daw ng buwan sila eere dahil tuloy daw ang kanilang programa anu man ang mangyari. 


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon na imposible raw na mahinto ang pag-ere ng kanilang noontime show dahil sa katunayan nga niyan ay pinapirma na nga daw ng kuntrata ang mga pangunahing host ng Eat Bulaga na sina Paolo Contis at Isko Moreno.


Ngayong darating naman daw na linggo ay ang iba namang mga host ang kanilang papipirmahin ng kuntrata kasama na sina Buboy Villar, betong at ang kambal na Legaspi.





 

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma