Awra Briguela, May Mas Malaki Pang Kasalanan Kay Vice Ganda!...


 

May ibinulgar na malaking pasabog ang talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz tungkol sa umanoy mas malaking kasalanan ni Awra Briguela sa kanyang manager na si Vice Ganda.


Maliban kasi sa kinasangkotang gulo ni Awra nitong kamakailan sa isang bar sa Poblacion ng Makati na nagpaingay ng husto ng kanyang pangalan ay may isa pa daw itong kasalanan kay Vice Ganda.


Ito nga ay ang pagsisinungaling kay Vice Ganda at sa kanyang ama na labis ang pagkadismaya sa mga nangyari.


Matatandaan na naging usap-usapan na si Vice Ganda ang siyang tumulong kay Awra na makalabas ng kulongan pansamantala, ito ay matapos makapagpyansa ng halagang 6OOO pesos.


Ayon pa sa marami na hindi daw maaaring pabayaan ni Vice Ganda ang kanyang anak-anakan lalo pa at si Vice Mismo ang tumatayong manager nito sa kanyang career sa showbiz.


Gayon paman ay ayon sa kulumnistang si Ogie Diaz sa kanyang vlog sa kanyang YouTube Channel na Showbiz Update, ay bukod umano sa gulong kinasangkotan nito sa nasabing bar sa Makati ay may isa pa umano itong kasalanan kay Vice at ito nga ay ang pagsisinungaling.


Ayon mismo kay Ogie Diaz na nakarating daw umano sa kanila ang balitang labis na ikinagulat ng ama ni Awra, dahil sa ang buong akala umano ng ama ni Awra ay sa condo ni Vice nakatira ang kanyang anak na si Awra.


Ito daw kasi ang paalam ni Awra sa kanyang ama ng umalis ito sa kanila, kaya naman kampante daw ito dahil alam niya na magagabayan ni Vice ng maayos ang kanyang anak.


Ngunit nalaman na  nga nito ang totoo ng magka-usap na sila mismo ni Vice Ganda na hindi na nga ito tumutuloy kay Vice kundi sa mga barkada nito.


Pahayag ni Ogie Diaz, "Naka-abot lang saakin na nashock yung tatay ni Awra, na akala nung tatay all along, nakatira si Awra sa condo ni Vice Ganda ng six months na."


"Yun ang paalam ni Awra sa tatay niya na hindi alam ni Memi. Kaya pumanatag ang loob ng tatay, kasi akala niya kay Vice nakatira, yun pala sa mga barkada nakatira itong si Awra, nag-e-enjoy sa mga barkada."


Dahil nga dito ay mag-uusap-usap daw umano sina Awra, Vice Ganda at ang tatay ni Awra upang linawin ang mga nangyari at pa-usapan na din ang gulong kinasangkotan nito.


Samantala, sinabi naman ni Ogie Diaz na nanghihinayang sila para kay Awra, dahil sa kinabukasan sana ng June 30 araw ng pagkakakulong ni Awra ay i-lulaunch sana ang show na kabibilangan sana ni Awra, ngunit dahil nga sa mga nangyari ay napurnada ito.


Dagdag pa nila na sana daw ay maging isang leksyon umano ito para kay Awra lalo pa at may inaalagaan umano silang pangalan sa Showbiz.




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma