Cristy Fermin May Banat Sa Hiwalayan Ni Kris Aquino at Vice Governor Mark Leviste!

 


Cristy Fermin May Banat Sa Hiwalayan Ni Kris Aquino at Vice Governor Mark Leviste!


Ngayong araw nga ay naglabas ng pahayag ang kulumnistang si Cristy Fermin ukol sa hiwalayan nina Kris Aquino at Batangas Vice-Governor Mark Leviste.


Ay hindi na nga daw ikinagulat ni Cristy Fermin ang balitang ito dahil marami naman daw ang nakakaalam tungkol sa mga nakaraan ni Kris na ganito din ang kanyang mga ginagawa.


Sa Instagram kasi ni Kris ay ibinahagi niya ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Mark Leviste.


Saad ni Kris na kinailangan lang muna daw ihinto ni Kris ang relasyon nila ni Mark dahil sa kundisyon ng kanyang kalusogan na ngayon nga ay unti-unti ng nawawala.


Narito ang ilan sa mga naging pahayag ni Kris Aquino, "This is a long overdue Gratitude post. Marc (yes it’s with a C) @markleviste is leaving to go home to fulfill his obligations to his Batangas constituents. Nobody i’ve ever been in a relationship with has ever given me as much love & encouragement. He wasn’t only my boyfriend, he became my best friend and confidante, talagang maaasahan. The usage of WAS is correct."


"My condition (the connective tissue disease which in my case seems to be my Churg Strauss, the progression of my Crest Syndrome, and the start of both rheumatoid arthritis and SLE) has gotten progressively worse, from all my physical manifestations (namamaga both my right & left knees, there’s excruciating pain especially on my entire left leg, and my right knee, swelling in my lower back, and purplish blue toenails (the pain is so bad that taking a few steps kinakaya ko BUT longer walks kailangan nang mag wheelchair.)"


Samantala, narito naman ang naging banat ni Cristy Fermin para kay Kris Aquino, "Alam mo si Kris Aquino mas magugulat pa ako kung mayroong lumusot na daga dito sa harapan ko ngayon."


"Pero yung makipagrelasyon si Kris tapos biglang hiniwalayan, at wala na tapos na hindi na ako magugulat ilang beses na nating nasaksihan ito sa buhay ni Kris Aquino."









Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma