Alden Richards May Mensahe Sa Nalalapit Na Kasal Nina Maine at Arjo!

 


Alden Richards May Mensahe Sa Nalalapit Na Kasal Nina Maine Mendoza at actor politician na si Arjo Atayde.


Maugong nga ngayon ang usap-usapang nagyong darating na July 28, 2023 na ang kasal ng celebrity couple na sina Arjo Atayde at TV host actress na si Maine Mendoza.


Kaugnay nga nito ay hindi nga maiwasan na mahingian ng reaksyon ang dating ka loveteam ni Maine na si Alden Richards tungkol sa nalalapit pagkakasal ni Maine Mendoza.


Hindi nga maipagkakaila na naging malapit din sa isa't-isa sina Maine at Alden lalo pa at sobrang kinakiligan sila noon ng mga fans nila pareho.


Na nagmula sa isang segment ng Eat Bulaga dati ng TVJ na Kalye serye at ang loveteam nila na AlDub ay tumatak ng husto sa mga manonood kaya lalo silang nakilala sa mundo ng showbiz.


Sagot ni Alden sa mga nagtatanong sa kanya kung ano ang kanyang magiging reaksyon sa nalalapit na kasal ng dati niyang kalove team na si Maine Mendoza.


Pahayag ni Alden, "Maine Mendoza has been a very huge part of my life. Hindi ko alam kung ganun din ako sa kanya, pero ako that's how I feel."


"Si Maine very planned ang buhay, very goal oriented. So ngayon na nandyan siya ngayon of course with Arjo. Siguro yung naibibigay ni Arjo sa kanya is yung love na talagang deserve niya."


"And I'm very happy and sincerely na sinasabi ko yun sa kanya. I really wish her well, and sana wherever she is now I know that she is very happy and for the longest time, She deserves that."


Ang tingin daw ni Alden na talagang handa na si Main sa bagong kabanata ng buhay niya kapiling ang mahal nito na si Arjo Atayde.











 

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma