Tv 5 Live Streaming June 15 2023 | Tito Vic and Joey Dabarkads and Carren Eistrup Sobrang Thankful....

 


Ang Tv host actress na si Carren Eistrup ay nagpasalamat sa kanyang mga tagasuporta at mga followers.


Ito ay dahil umabot na sa 150 thousands na ang kanyang mga followers sa kanyang facebook account.


Aniya, "❤️THANK YOU SO MUCH PO FOR 158k FOLLOWERS!!!❤️"

"Di ko man po kayo ma mention lahat pero sobrang appreciate ko po lahat ng efforts and support niyo! đŸ¥¹ Thank you po ulit!"


Samantala, naglive naman ang Tv host actor na si Ryan Agoncillo sa kanyang social media account.


At dahil dito ay napanood ng live ang pagsasama sama nila ng TVJ at ng iba pang mga dating host ng Eat Bulaga sa Studio ng TV5 sa Mandaluyong.


Makikita nga sa video na nagpicturial na ang groupo nila para sa kanilang bagong show sa TV5 ng Kapatid network.


Makikita din sa ibinahaging video ni Ryan na kasama nila ang mga production staff na sumama sa kanila sa pag-alis sa TAPE incorporated noong May 31,2023.


Samantala, tila maypatutsada naman si Joey De Leon sa pagvivideo na ito ni Ryan at tinanong niya kung naka live ba ang video na ito ni Ryan dahil ayaw niya daw ng TAPE.


Mahahalata talaga na ang pinapatutsadahan ni Joey ay ang TAPE incorporated ng mga Jalosjos na iniwan nila.


Sa naging picturial naman nila ay mapapansin na wala sila Ryzza Mae Dizon at Carren Eistrup doon.


Ito ay dahil na una na raw ang photo shoot nila noong Lunes June 12, 2023.


Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma