Andrea Brillantes “Isip Bata” Raw Kaya Iniwan Ni Ricci Rivero Ayon Kay Rendon Labador.

 


May naging maanghang na patutsada ngayon ang social media influencer at motivational speaker na si Rendon Labador sa actress na si Andrea Brillantes kaugnay sa naging hiwalayan nito sa kanyang dating nobyong si Ricci Rivero.


Matatandaang nitong kamakailan lang ay naging mainit na usap-usapan sa iba't ibang social media flat forms ang paghihiwalay ng dalawa.


Kaya naman dahil kilala nga si Rendon Labador na mahilig manghimasok sa mga issue ng ilang mga kilalang personalidad gaya nalang ng mga sikat na manglalaro, vlogger at maging mga sikat na Artist sa showbiz.


Kaya naman hindi na nga ito nakapagpigil pa at nagbigay na din siya ng kanyang maanghang na pahayag para sa actress na si Andrea Brillantes.


Na unang pahayag ni Rendon Labador para sa actress, "Career muna bago landi #stay motivated."


Pero hindi na nga ito pinatulan pa ng actress at nanatili nalang na mamanahimik upang hindi na lumaki pa ang naging issue nila ni Ricci Rivero.


Samantala, hindi parin nga nakontento doon si Rendon at muli na namang nagbitaw ng maanghang na mga pahayag para sa actress na si Andrea Brillantes.


Matapos nga na magviral sa social media ang video ni Andrea na naglalaro ng nagtetrending na larong lato-lato.


Dito nga ay hindi na pinalampas ni Rendon ang pagiging masaya at malaya ni Andrea sa nagviral na video.


Tila makahulogan nga ang naging pahayag ni Rendon sa pagkakataong ito, na tila nagpapahiwatis sa rason kung bakit naghiwalay ang magkasintahang Ricci at Andrea.


Saad ni Rendon Labador, "MARAMING PERA PERO ISIP BATA, iiwanan talaga namin kayo #CareerMunaBagoLandi"


"Para sa lahat ng taong iniwan ng Jowa. Oras na para ayusin ang mga sarili ninyo. Hindi namin kaylangan ng babaeng MARAMING PERA, Mas appealing ang babaeng matured mag isip at may priority sa buhay."


"Wake up call sa lahat ng kabataan ito na puro paganda lang ang alam pero wala naman laman ang utak. In short, TURN OFF ang babaeng IMMATURE #PrayForAndrea #MoveOn #StayMotivated."


Dagdag pa niya, "Yung mga taong nagpapakita na masaya sila... Minsan sila pa yung taong sobrang nasasaktan."


Samantala, wala parin namang naging tugon si Andrea sa mga pahayag na ito ni Rendon Labador.


Ngunit, sobrang daming mga negatibong komento mula sa mga netizens ang natanggap ni Rendon dahil sa kanyang mga maaanghang na pahayag para sa actress.


Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma