Tatay Ni Awra Briguela at Mga Kaibigan, Nagreact Sa Nangyari Kay Awra Briguela Na Hinuli Ng Mga Kpulisan!


 Ama ng komedyanting aktor na si Awra Briguela subrang nasaktan sa sinapit ng kanyang anak, habang puwersahang inaresto ng mga kapulisan.


Pamilya at mga kaibigan ng Tv host celebrity na si Awra Briguela nananawagan ngayon ng hustisya sa sinapit ng komedyante.


Viral parin ngayon sa social media ang nangyaring pag-aresto sa artistang si Awra Briguela, na nasangkot sa isang kagulohan nitong madaling araw ng June 29,2023.


Sa ngayon ay hindi pa malinaw ang tunay na dahilan na pinagmulan ng kagulohan, dahil sa magkaibang detalye ang ibinigay na pahayag nga dalawang panig.


Ayon sa kampo ni Awra na hindi raw dapat hinuli at ikinulong si Awra, dahil ang grupo daw nila ang siyang inargabyado ng kabilang grupo.


At, ipinagtanggol lang naman daw umano ni Awra ang dalawang mga kaibigan niyang babae na binastos at hinipuan ng mga nakaaway ni Awra.


Ngunit, ang ipinagtataka ngayon ng mga fans ni Awra ay bakit daw si Awra lamang ang siyang hinuli at ikinulong ng mga pulis, gayong marami naman silang nasangkot sa nasabing gulo.


Sa video na kumalat sa social media ay nasaktan ang maraming mga tagasuporta at mga fans ni Awra, dahil tila hindi raw patas ang pagtrato sa kanilang idulo.


Sa ngayon ay marami sa mga kaibigan at mga tagahanga ng komedyante ang nananawagan ng hustisya para kay Awra! 


Isa na nga dito sa mga nananawagan ng hustisya para kay Awra ay ang matalik nitong kaibigan na si Zeinab Harake.


Ayon sa vlogger na si Zeinab na dapat daw umano ay magkaroon ng malawak na imbistigasyon upang magkaroon daw ng linaw ang lahat. 


Dahil ayon sa kanya na hindi magagawa ng kanyang kaibigan ang magpasimula ng gulo dahil isang mabuting tao daw itong si Awra.


Saad ni Zeinab sa kanyang tweet, "Having awra sa buhay ng mga kaibigan nya is a win grabe tong batang to sa sobrang pag mamahal nya magagawa nya yung mga bagay na hindi mo aasahan maparamdam lang nya sayong anjan sya sa hirap o ginhawa. kaya andito den kaming mga totoong ipag lalaban ka walang iwanan sa ere ayun ang tunay na kaibigan!!"


Samantala, sa ngayon ay nasa kustotiya parin ng mga kapulisan si Awra Briguela at naroon ang kanyang pamilya para asikasohin ang kanyang pyansa.


Ayon naman sa aming na sagap na impormasyon na tila, lalaki pa raw ang kaso na ito dahil desidido ang pamilya at mga kaibigan ni Awra na edemanda ang tunay na maysala sa nasabing kagulohan.





Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma