Bimby & Kuya Josh Binisita Nina Melai at Darla, Natupad Na Ang Promise Nila Kay Kris Aquino!

  


Mga dating co-host ni Kris Aquino na sina Melai at Darla binisita sina Bimby at si kuya Josh sa tahanan nito.


Sa Instagram ay masayang ibinahagi ng Tv host na si Melai Cantiveros ang ilang mga larawan na kuha sa pagbisita nila sa mga anak ni Kris Aquino na sina Bimby at Josh.


At maging si Darla ay nagbahagi din ng mga larawan sa kanyang social media account na kung saan makikitang kasama nila ang magkabatid na Bimby at Josh na mga anak ng tinaguriang Queen of all media na si Kris Aquino.


Ayon ngadin sa kanilang mga naging post sa social media na sobrang namimiss na daw nila si Kris Aquino.


Dahil dito ay naisipan ding ivideo call nitong si Bimby ang kanyang ate Kim Chiu dahil sa namis na nga rin niya ito.


At na ibahagi pa nga ito ni Melai sa kanyang post, sabi niya, "Video call din sila ni ate Kim niya, namis niya, pinagtatawagan namin ang namimis niya kasi happy child hood ang naaalala niya. @Krisaquino. @chinitaprincess."


Samantala, naging masaya naman si Kris, dahil sa nakita niya na kasama ng kanyang mga anak ang kanyang mga kaibigan sa Pilipinas at nakikita niyang happy na nagbonding ang mga ito.


Caption naman ni Melai sa kanyang post, "A very gwapo , sweet , responsible and mature Bimb version na kausap ko kanina at very sweet lagi na very loving kuya Josh ."


"Grabe na amaze ako kuya Bimb sa mga sagot nya habang kausap ko cya , nakakaamaze sila dati kami pa ni Jason matangkad kay Bimb ngayun si Bimb na apakatangkad ❤️❤️🥰👏🏻"


"Ms Kris we miss you @krisaquino , pagaling ka jan Ms Kris😘❤️ tinupad ko pramis ko ms Kris na i visit si Bimb at Kuya Josh , sana nextime makasama kana nmin dtu sa pinas . Na Amaze and naproud ako Ms Kris sayu bilang momshie kasi ambabait , marespeto and mabuti silang anak sila Bimb and kuya Josh❤️ goodnight n pala everyone ❤️❤️🥰🥰"







Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma