Ricci Rivero Umamin Na Sa Dahilan Ng Break Up Nila Ni Andrea Brillantes!

 


Ibinunyag ngayon ng basketball player na si Ricci Rivero kung ano talaga ang naging dahilan ng breakup nila ni Andrea Brillantes.


Matatandaang nitong unang bahagi ng buwan ay pumutok ang balita sa umano'y cheating allegation laban kay Ricci kung saan itinuro si Konsehal Leren Mae Bautista bilang third party.




Mariin itong itinanggi ngayon ni Ricci. Ayon kay Ricci Rivero, April 2023 nang magdesisyon sila ni Andrea na magpalamig muna at sa sumunod na buwan ng Mayo ay opisyal na silang naghiwalay.


Kuwento ni Ricci, ang dahilan daw ng kanilang break-up ay nang nakita ni Andrea ang isang babae sa kanilang bahay. Na-videohan daw ito ni Andrea at inakala nitong nagloloko siya.


Ayon kay Ricci, ito ay isang maling akala at kalituhan sa panig ni Andrea. Narito ang kanyang pahayag.




"Marami na rin po kaming sinusubukang ayusin na problema. Ang cause ng breakup, yung speculations na kumakalat sa social media na may nakita siyang girl dun sa place ko."


"Pero ilang beses po naman naming pinag-usapan ito. Sobrang daming beses, sinabi ko sa kanya with all the evidences I have na hindi sa akin yung girl."


"May papuntang friend akong midnight tapos hindi ko naman alam na may kasama siya. Yun ang inabutan ni Andrea."


"Sa akin po, kung ginamit ko po siya, marami naman pong offers yung ABS-CBN, interviews with her, shows with her. And simula po noong naging kami, never akong nag-yes."


"Kasi ayoko naman po na parang i-connect yung trabaho sa personal relationship. Sa akin, sobrang genuine lang ang lahat."


"Wala sa isip ko yung mga ganyan kasi parang minsan lang akong mag-girlfriend, bakit sa ganyang paraan ko gagawin?"


Ayon nga kay Ricci, hindi niya niloko si Andrea. Marami na silang problema bago pa man ang issue na iyon. Iyon ang huling pako sa kaba0ng para maghiwalay sila ng tuluyan.


Samantala, ayon sa netizens, hindi dapat basta-basta pagkatiwalaan si Ricci Rivero. Ito ang kanyang side of the story at hindi pa nagbibigay ng pahayag si Andrea Brillantes. 


Sa ngayon ay makikita sa social media posts ni Andrea Brillantes na masayang-masaya siya kasama ang kanyang mga kaibigan.




Mukhang naka-move on na siya pero ayon sa netizens, hindi raw maaalis ang posibilidad na magkabalikan sila in the future kung talagang mahal nila ang isa't isa.

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma