Gigi De Lana, Na-Scam Yung Pang Medical Bills Ng Kanyang Mama!....

 


Malungkot na ibinahagi ng singer na si Gigi De Lana na ninakaw ng scammer ang laman ng kanyang bank account na gagamitin sana niyang pambayad ng medical bills ng kanyang mahal na ina.


Nitong Martes nga lang ay ibinahagi ng singer ang kanyang pinagdaan mula ng sila ay maaksidente ng kanyang mga kasamahan sa banda habang sila ay nasa La Onion patungong Ilocos Norte upang dumalo sa isang event.


Pahayag ni Gigi sa kanyang facebook account, "Please be kind. Simula ng naaksidente kami from car accident. ang dami na nang scam sakin." 😞 


"Ninakawan ako sa BDO kinuha lahat ng laman. Na pang medical bills sana yun ni mama. Kaso wala kayo awa. Sinabihan pa ako sa phone call ng “get well soon po kay maam gigi” tapos after nun ninakawan na ako ng tuloy tuloy hanggang sa maubos laman. 😭 grabe kayo. Di na kayo naawa."


"Please wag kayo mang scam or mag nakaw. Nga pala ito itsura ko nung after a few days maaksidente. Sa mga hindi alam na ganito kalala and hinusgahan ako na nag inarte ako. Please be kinder. Love you all still. Please let us be kinder sa isat isa 💕"


Matatandaang sumasailalim ngayon sa gamotan ang kanyang ina at  lumalaban ngayon ang kanyang ina sa sakit na stage 4 breast cancer sa isang hospital para sa mahabahabang gamutan.


At ibinahagi din ng singer ang ilang mga larawan niya matapos ang aksidente.


Aniya, "Siya nga pala ito hitsura ko matapos ma aksidente, sa mga hindi nakakaalam na ganito ka lala, at hinusgahan ako na naginarte ako, please be kinder, love you all still, please let us be kinder sa isa't isa."


Umani naman agad ito ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens at sa kanyang mga tagahanga.


Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma